Header Ads

Labis na pananakit ng Ina sa kanyang anak.

Larawan ay mula sa Facebook video


Nag-viral sa social media ang isang video na kung saan labis ang ginagawang pananakit ng isang ina sa kanyang anak. Tila wala na sa katinuan at galit na galit pa ang ina habang ginugulpi ang anak.

Naganap umano ang insidente sa Barangay Dita, Sta. Rosa, Laguna. Sa ini-upload na video ng Facebook page na “Mga Pahine etc.”, halos araw-araw na raw kung saktan ng ina ang kanyang mga anak. Dahil umano sa sobrang galit, minsan ay nagawa nitong habulin ang mga anak habang may hawak na kutsilyo.

Makikita nga sa video na tila gigil na gigil ang ina sa kanyang anak. Wala itong tigil sa pangungurot at pagsabunot sa b@ta. Napapatayo pa ang nakaupong b@ta dahil sa lakas ng pagkakahiklas sa kanya ng ina.

Larawan ay mula sa Facebook video

Tahimik lamang ang kawawang b@ta habang tinatanggap ang walang tigil na palo, kurot, sabunot, at pananakit na mula sa sariling ina. Wala itong magawa kung hindi ang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman mula sa pang-aabuso ng ina.

Tila mas lalo namang ginaganahan ang babae sa tuwing naririnig ang pag-iyak ng b@ta, dahil mas naging malakas pa ang hampas at kurot nito. Ilang sandali pa’y kinagat niya ang b@ta dahil sa panggigil. Maririnig sa video na kaya nagagalit ang ina sa kanyang anak ay dahil sa may nasira itong bagay.

Larawan ay mula sa Facebook video

Panawagan naman ng nag-upload ng video ay makarating sana sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Laguna ang video para masagip at matulungan ang b@ta. Hindi na umano tama at labag na raw sa karapatang pantao ng bata ang pananakit ng ina sa sariling anak.

Umani ng pambabatikos mula sa mga netizens ang ginawa ng ina. Wala raw karapatan ang babae na saktan ang b@ta kahit na anak niya pa ito. Kung sakaling nagkasala ang b@ta, dapat umanong pagsabihan ito sa maayos na paraan. Hindi raw solusyon ang pananakit upang maturuan ang bata.





Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.