Header Ads

Quiapo church isinailalim sa l0ckdown matapos isang pari ang nagpositibo sa c0vid-19

Source: GMANetwork

Quiapo church naka-lockdown na ngayon dahil sa isang pari ang nag positibo sa C0vid-19.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo church, sinimulan ang lockdown noong June 19 at tatagal hanggang July 4. Nasa Mindanao na raw ang pari na ng malaman na siya ay positibo, dagdag pa ni Badong.

Nanatili lamang daw ito sa simbahan noong nagsimula ang community quarantine at ng payagan ng makabyahe ay bumalik na ito sa Mindanao noong June 13 at doon narin nalaman na positibo siya sa cor0navirus.

Sa Cagayan De Oro daw pumunta ang pari ayon kay Badong.

Hindi na rin pinayagan na makapasok pa ang mga tao sa simbahan para dumalo sa misa. Bagamat may magaganap paring misa ay sa labas nalang pwedeng dumalo ang mga tao sa pamamagitan ng TV screen.

Nagsagawa na rin daw ng rapid testing sa lahat ng mga tauhan at pari sa naturang parokya at nag negatibo naman sila, aniya Badong.

Source: GMANetwork


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.