Trending: Isang Pinoy ikinasal sa isang napakagandang dayuhan.
Larawan ay mula sa Facebook - John Mark Tokong |
Sa pag-ibig, walang pinipiling edad, hugis, kulay o itsura. Kahit ano o sino ka man, basta’t totoo ang pag-ibig ng iyong kapareha, mananatili kayong magkasama sa hirap at ginhawa, kahit ano pa ang sabihin ng iba.
Tulad na lamang ng pag-iibigan ng isang Pilipino at ng isang dayuhan. Trending kasi ngayon sa social media ang kuwento ni John Mark Tokong , isang surfer, na ikinasal sa isang magandang dayuhang si Danni Hughes.
Larawan ay mula sa Facebook - John Mark Tokong
Sa kanilang Instagram account, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga larawan kung saan ay ginanap ang kanilang kasal na tila sa isang hardin pa isinagawa.
Larawan ay mula sa Facebook - John Mark Tokong
Marami ang namangha sa pag-iibigan nilang dalawa dahil bukod sa pagkakaiba nila ng kulay ay magkalayo rin ang kanilang tangkad.
Larawan ay mula sa Facebook - John Mark Tokong
Sa kanilang mga ibinahaging mga larawan, makikita ring kasama nila ang napaka-cute nilang anak na si Olive na tila kombinasyon ng mukha ng dalawang magkasintahan.
Noong nakaraang taon ay nagwagi si Tokong sa isang paligsahan sa pagsu-surfing, ang 25th Siargao Cloud 9 International Surfing Cup.
Humanga naman ang maraming netizens sa pag-iibigan ng dalawa. Pinatunayan nga raw nila ang kasabihang “love knows no boundaries.”
Source: John Mark Tokong - Facebook
Source: Furry Category
No comments