Header Ads

Agot Isidro, nagbigay ng reaksyon sa post ni Jinkee Pacquiao tungkol sa kanyang ‘LUXURY BIKES’

Larawan ay mula sa Google


Alam naman nating lahat na mahilig ang asawa ng “Boxing Champ” Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa mga bagay na masasabing magaganda ang “quality.” Halata namang hindi niya ito ikinahihiya at ibinabahagi pa nga niya ang mga ito sa kanyang mga social media accounts.
Larawan ay mula sa Google
Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

At kamakailan lamang ay ipinakita niya sa kanyang followers ang dalawang bisikletang gawa ng isang French high fashion luxury goods manufacturer na “Hermes.”

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jinkee ang larawan ng dalawang bisikletang ito na kinunan sa kanilang mansion sa General Santos City. Caption niya sa kanyang post: “His and hers.”
Larawan ay mula sa Facebook

Tunay ngang maganda ang mga naturang bisikleta sa kulay nitong orange-pink at mukha nga namang mamahalin.

Ayon kasi sa “Daily Mail”, isang British newspaper, inilabas ng “Hermes” ang kanilang “handmade bicycles” noong October 2013 sa halagang $10,750 o P531,265.

Base naman sa naturang French fashion house, “100% handmade” raw ang mga ito “and feature a bull-calf leather on the saddles, handlebar grips, carry handles, and luggage rack supports.”

Mayroon nang higit 24,000 likes ang naturang post ni Jinkee sa Facebook at umani na rin ito ng napakaraming komento mula sa online community.

Isa sa mga nagbigay ng reaksyon sa post na ito ang celebrity at aktres na si Agot Isidro.

Sinabi ni Isidro na dapat daw mas maging “sensitive” ngayon si Jinkee lalo na’t nasa panahon daw tayo ng pandemya.

Ni-retweet pa ng aktres ang mga links na may kaugnayan sa luxury bike ng mga Pacquiao.

Ayon pa rin kay Isidro, “Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam. Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang? #nouveau”
Larawan ay mula sa Facebook

Kahit hindi man niya tuwirang binanggit ang pangalan ni Jinkee, halata naman daw sa kanyang pahayag na tungkol nga ang mga ito sa kanila.

Ginamit rin ng aktres ang salitang “nouveau” – isang French word na nangangahulugang “a person newly rich.”

Naglabas naman ng iba’t ibang komento ang mga netizens patungkol sa tweet na ito ni Isidro.

“There’s nothing wrong about others posting stuff on social media. It depends if someone views it with envy,” ani ng isang netizen.

Pahayag naman ng isa, “love” niya raw si Isidro dahil sa reaksyon niyang ito.

Sabi na lamang ng isang netizen, “????? Sino ba nag-sabi na ‘No class’ siya? Ang sabi maging sensitive lang. Di na nakakagulat na palpak ang reading comprehension ng Pilipino e.”


Source: mostrendingph.com

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.