ALERT: Ibinaba ng PHIVOLCS SA ALERT LEVEL 1 ang status ng Mayon Volcano.
![]() |
| Larawan ay mula sa Google |
Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level Status ng Bulkang Mayon, noong Hulyo 17, mula sa Alert Level 2 noong Marso 29, 2018 ay ibinaba ito sa Alert Level 1.
Inihayag ng PHIVOLCS, noong kinaumagahan ng Biyernes (Hulyo 17), ang patuloy na pagbaba sa aktibidad ng Mayon na sinusubaybayan nila. Ang mga naitalang aktibidad nito ay bumaba tulad ng isang beses lamang na volcanic earthquake kada araw nitong nakaraang anim na buwan at mababang lebel sa pagbuga ng sulfur dioxide.
| Larawan ay mula sa Google |
Pahayag nila, “The overall low-level seismicity indicates that there is currently no active transport of eruptible magma to the shallow levels of the volcano.”
Una nang bumababa ang volcanic earthquake ng Mayon na kung saan ang mga nararamdaman na lamang ay sanhi ng paminsan-minsang rockfall events. Bumaba rin ito sa pagbuga ng sulfur dioxide: nasa 300 – 700 toneladang lang noong Enero 2020, at naitala ang pinakamababa noong ika-30 ng Hunyo na may 229 tonelada.
Mababa rin ang steaming activity ng bulkan at humina rin ang crater glow na makikita lamang sa tulong ng telescope. May nakita ring pagbabago sa lupa at may kaunting pamamaga sa katawan nito na makikita lamang sa ibaba hanggang sa gitnang bahagi ng Mayon Volcano.
| Larawan ay mula sa pinasbalita |
Gayunpaman, nagbabala ang PHIVOLCS na hindi ibig sabihin na ibinababa na ang alert level nito ay mawawala na ang pagiging unrest ng bulkan. Dagdag pa nila, maaari ulit mailagay sa Alert Level 2 ang Mayon kapag may naitalang pagtaas sa mga aktibidad nito.
Larawan ay mula sa pinasbalita
Sa ngayon, hindi rin muna pinahihintulutan ang pagpasok sa six-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa delikadong rockfalls, avalanche, ash puff, at biglaang pagbuga ng steam na malapit dito. Pinag-iingat din ang mga residenteng naninirahan malapit dito, lalo na ang mga nakatira sa posibleng daraanan ng lahar kapag may nangyaring matagal at malakas na pag-ulan sa panahon ng tag-ulan.
LOOK: Lowering of Alert Status of Mayon Volcano from Alert Level 2 to Alert Level 1#MayonVolcanohttps://t.co/HJx0bDBGA1 pic.twitter.com/t5G9ZSh5VT
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) July 17, 2020
Source: pinasbalita
Source: Furry Category




No comments