Amerikanong humingi ng tulong kay idol Raffy dahil sa niloko ng kasintahang Pinay, natipuhan ang isa sa mga staff ng programa
![]() |
| Source: Raffy Tulfo in Action / Youtube |
Nag-viral sa social media ang kuwento ng isang Amerikano na si RJ Russell na niloko umano ng kanyang kinakasama na Pinay na si Adora. Ito ay matapos siyang humingi ng tulong sa programang Raffy Tulfo in Action.
Ayon sa kuwento ni Russell, nagpapadala siya ng pera kay Adora na akala niya ay ipinupundar nito sa bahay at lupa ngunit nang magkita na sila ay walang maipakita sa kanya si Adora.
Source: Raffy Tulfo in Action / Youtube
Umabot na sa 25 milyon pesos ang kabuang halaga na naibigay ni Russell kay Adora kaya naman hindi niya matanggap na kahit ni isa ay walang maipakita ang pinay na pinuntahan ng kanilang pera.
Kaya naman humingi siya ng tulong sa programa ni idol Raffy at agad namang tinawagan ang nirereklamong si Adora ngunit hindi ito makausap sa telepono dahil mahimbing daw siyang natutulog matapos uminom ng gamot na pampatulog.
Source: Raffy Tulfo in Action / Youtube
Ayon kay Russell, ito daw ang madalas na gawin ni Adora sa tuwing tatanungin siya nito, sinasadya raw niyang uminom ng pampatulog para makaiwas sa mga tanong niya.
Dagdag pa niya, nagbabanta raw si Adora na wawakasan niya ang kanyang sariling buhay at nagbigay pa ng eksaktong oras kung kailan niya ito gagawin, 4:00 daw ng hapon niya ito balak.
Dagdag pa niya, nagbabanta raw si Adora na wawakasan niya ang kanyang sariling buhay at nagbigay pa ng eksaktong oras kung kailan niya ito gagawin, 4:00 daw ng hapon niya ito balak.
Dahil sa ginagawang palusot ni Adora, sinadya na ni idol Raffy na puntahan na lamang ang pinay sa kanyang bahay upang hindi na siya makatakas sa mga tanong at hindi na niya gawin ang kanyang binabalak.
Samantala bago matapos ang episode, napagusapan ng mga babaeng staff ng programa na mayroon silang napansin kay Russell habang kausap nila ito.
Ayon sa mga staff, kapansin-pansin daw ang mga tingin ni RJ sa isa mga staff ng programa na si Angie.
Dagdag pa ng isa sakanila, napansin nilang interesado siya kay Angie dahil nagtatanong siya kung ano ang kanyang edad at hindi nito mabaling ang tingin sa staff.
Sinabi rin daw ni RJ na malayong mas maganda si Angie kesa kay Adora.
Ikuwenento nila ito kay idol Raffy at agad naman niyang tinawagan si Angie para ipaalam na tila may gusto sa kanya ang nagrereklamong amerikano.
Source: Raffy Tulfo in Action / Youtube
"Angie, mukhang magiging milyonarya ka na, magblow-out ka na at ngayon pa lang ay mangutang na tayo sa bumbay ng pang blow-out mo kasi patay na patay daw sayo si kano." ang sabi ni idol Raffy kay Angie.
Source: Raffy Tulfo in Action / Youtube
Tinanong din ni idol Raffy si Angie kung may boyfriend na ito at sumagot naman siya na wala pa daw.
"Si Angie, okay yan exotic beauty. mahilig talaga si RJ sa mga exotic beauty." dagdag pa ni idol Raffy.
Panoorin ang buong episode.
Source: Raffy Tulfo in Action / Youtube
Source: Furry Category





No comments