Header Ads

Ang kapansanan ay hindi hadlang sa isang Grab Food driver gamit ang kanyang wheel chair.

Larawan ay mula sa Feelippines - Facebook Page



Sadyang nakamamangha talaga ang isang taong kahit na may kapansanan ay ipinagmamalaki pa rin ang taglay niyang kakayahan. Ang ilan sa kanila ay magaling sa pagpinta, pag-awit, pagsayaw, at iba pa. Ang iba nama’y bukal sa puso ang tumulong at masipag pa sa pagtatrabaho.

Sa post ng Facebook page na Feelippines, mababasa ang ganitong caption: “Nakakahiya naman sa ibang tatamad tamad at nag aantay lang ng grasya. Saludo ako sayo kuya! Bless you po!”
Larawan ay mula sa Feelippines - Facebook Page

Makikita kasi sa larawan ang isang lalaki na masasabing isang Grab Food driver habang nakasakay sa kanyang wheel chair. 

Mapapansin din na parang isa siyang Person With Disabilities (PWDs) dahil sa kalagayan ng kanyang paa.

Sa kabila nito, hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan upang makapagtrabaho. Dinaig pa nga raw niya ang taong kumpleto ang pangangatawan, dahil ang iba sa kanila’y tamad at walang ginawa kung hindi umasa sa ibang tao.

Umani naman ito ng positibong komento mula sa mga netizens.

“ingat lang po God bless your way He’ll protect you always”

“Tama , un iba malakas pa sa kalabaw , pero wala ginagawa”

Sa ngayon ay mayroon na itong 401 reacts, 24 comments, at 109 shares.
Larawan ay mula sa Feelippines - Facebook Page




Source: Feelippines - Facebook Page

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.