Babaeng my mabuting kalooban, binigyan ang janitor ng pera dahil wala itong ma-withdraw sa ATM at naglakad pa siya ng malayo makapag withdraw lang

Source: itsjustknix twitter
Ibinahagi ng isang babae na may mabuting kalooban kung paano siya nakatulong sa isang matandang lalaki.
Malaki ang naging epekto ng C0VID-19 sa buhay ng maraming mga Pilipino. Pinaka apektado dito ang mga kababayan nating maralita. Dahil sa Enhance Community Quarantine (ECQ), marami sa atin ang nahihirapang bumiyahe sa ating mga trabaho dahil limitado ang transportasyon.
Isa dito ang kwento ng isang matandang lalaki na kinailangan pang pumunta sa malayong lugar upang makuha ang kanyang sahod.
Ayon sa ibinahaging post sa twitter ni @itsjustknix, kakatapos lamang niyang mag mag-grocery sa KCC mall nang may isang matandang lalaki ang lumapit sa kanya upang mag patulong na mag withdraw ng pera sa ATM ng kanyang sahod.
Hindi nag atubiling tulungan ng netizen ang matanda ngunit sa kasamaang palad, walang laman ang ATM ng matanda.
Kwento ng netizen, naglakad ang matanda mula Guiwan papuntang KCC mall dahil wala itong masakyan para lamang makapag-withdraw at makabili ng pangangailangan ng kanyang pamilya.
Dagdag pa ng netizen, Janitor ang lalaki sa isang agency at sumasahod siya ng 6,000+ kada buwan.
Dahil sa hindi pa pumasok ang sahod ng lalaki sa kanyang account, binigyan siya ng netizen ng P2,000 na kanya sanang gagamitin pang gas sa kanyang sasakyan at pambili ng LPG para sa kanilang bahay.
Base sa post ng netizen, nagsisisi pa siya dahil hindi siya nakapag dala ng mas maraming extra money para mas marami sana ang naibigay niya sa matandang lalaki.
Kwento pa ng babae, nagalit pa umano ang lalaki sa kanya. Hindi dahil sa nainsulto ang lalaki ngunit dahil sobra-sobra ang binigay na pera sa kanya ng babae.
Sinabi pa raw ng matanda sa kanya na kunin niya ang perang inabot sa kanya at babalik na lamang ulit siya sa mall pag dumating na ang kanyang sahod.
Ngunit nag pumilit pa rin ang babae na ibigay ang pera, dito na hiniling ng lalaki na ibaba ang kanyang mask dahil gusto nito matandaan ang mukha ng taong tumulong at nagpakita sa kanyang ng mabuting kalooban.
Basahin ang kanyang buong post:
Source: itsjustknix twitter
Source: itsjustknix twitter
Source: itsjustknix twitter
Source: Furry Category



No comments