Catriona Gray dumulog na sa NBI at pinatutunton ang nagkalat ng kaniyang hubad na larawan daw?
![]() |
| Larawan ay mula sa Google |
Mainit sa social media ang kumakalat na mga larawan ng babaeng nakahubad na sinasabing si Miss Universe 2018 Catriona Gray, hindi nagatubiling dumulog ang kampo ni Catriona sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila upang mahuli na ang nagpakalat sa social media ng kanyang pekeng malaswang larawan.
Larawan ay mula sa ABS-CBN News
Kasama ni Catriona ang kanyang abogado na nagpunta sa NBI upang personal na ma-ireklamo niya ang taong salarin ng pagpapakalat ng sinsabing maselang larawan niya sa social media.
Matatandaan na sinabi ng team ni Miss Catriona na hindi totoo ang kanyang malaswang topless photo at sinasabi ngang ito ay “digitally-altered” lang.
Larawan ay mula sa ABS-CBN News
Buong tapang na hinarap ng Miss universe 2018 ang NBI deputy director na si Vicente De Guzman upang maidetalye nito ang pinag-ugatan ng kaniyang hinaing.
Ayon kay Christopher Liquigan, abogado ni Cat, lubos na nalungkot at nasaktan ang kanyang kliyente sa mga pambabatikos sa kanya ng mga netizens ukol sa kanyang pekeng litrato.
Ani Cat, hindi siya ang nasa larawan dahil ang post ay ‘di kaaya-aya at halatang pineke lamang.
Ang NBI ay nangakong gagawin ang lahat para mahuli at mapanagot na ang taong pinagmulan ng larawang anila’y nais lamang na sirain ang pagkakakilala ng tao sa beauty queen.
Ang natasang humawak ng kaso’t reklamo ni Catriona Gray ang NBI Anti-Cybercrime Division.
Source: ABS-CBN News
Source: Furry Category



No comments