Harlene Nicole Budol a.k.a Hipon, Gaano na kaya siya kayaman ngayon?
![]() |
| Larawan ay mula sa Google |
Isa sa mga pinapanood na palabas sa TV ay ang show na Wowowin. Maliban sa naghahatid ang programang ito ng tuwa at saya sa mga manonood, nakakatulong pa ito sa mga taong nangangailangan. Si Willie Revillame ang main host dito. At isa sa mga co-hosts niya ay si Harlene Budol, na mas kilala bilang Hipon Girl.
Kinagigiliwan ng mga manonood si Hipon dahil sa natural niyang talento sa pagpapatawa. “Kain katawan, tapon ulo” man, hindi ito naging hadlang para matupad ang kanyang pangarap. Ito pa nga ang naghatid sa kanya patungo sa kasikatan.
Si Harlene Nicole Budol ay ipinanganak noong Agosto 23, 1999 sa probinsya ng Angono, Rizal, at siya ay may tangkad na 5’9”.
Bago siya pumasok sa mundo ng showbiz, isa lamang siyang simpleng estudyante na rumaraket upang kumita ng pera. Nasubukan na niyang magtrabaho bilang front desk assistant sa opisina ng Mayor ng Angono, Rizal. Part-time model din siya at sumasali sa mga pageants. Sa katunayan, siya ang title holder ng Binibining Angono ng Sining 2017.
Ayon sa kanya, tinawag siyang Hipon dahil hindi naman daw siya ganoon kaganda. May kumwestiyon na nga raw sa kanya na bakit pa siya nananalo sa mga pageants gayong hindi siya kagandahan.
Ang panlalait na ito ay hindi naging sagabal para sa kanya at ito pa nga’y naging inspirasyon.
Sumikat siya matapos maging contestant ni Willie sa isang segment ng kanyang TV show. Nakuha niya ang atensyon ng mga manonood at ginawa na siyang regular co-host ni Willie.
Hindi man daw nabiyayaan ng magandang mukha, nabigyan naman daw siya ng kakaibang karisma. Minahal din siya ng tao dahil sa pagiging totoo niya sa kanyang sarili: lumaki sa hirap, magaslaw kung kumilos, hindi bihasa sa wikang Ingles, at nakatira sa squatter (“squammy” na kanyang tinatawag). Ang lahat ng bagay na mayroon siya ay hindi niya kailanman ikinahiya.
Ngunit, ano na nga ba ang pamumuhay ni Hipon ngayon?
Malayo-layo na rin ang narating ni Hipon: mula sa pagiging raketera at kontesera, kilala na siya ngayon bilang TV host, comedienne, singer, at aktres.
Masuwerte rin siya pagdating sa buhay pag-ibig dahil mayroon siyang nobyo.
Ayon sa isang video, nasa P50,000 ang kinikita ni Hipon. Isa na rin siyang endorser at ambassador ng iba’t ibang produkto.
Dahil sa kanyang mga kinikita, nakapagpatayo na rin siya ng sariling negosyo tulad ng Harlene’s Clothing Company, Herlene’s All Natural Cosmetics, at Chix and Hips Restaurant sa Angono, Rizal. May mga naipundar na rin siyang sasakyan at ari-arian.
Napanood na rin siya sa iba’t ibang palabas ng Kapuso network, nakapag-record ng sariling kanta, at may mga gigs sa iba’t ibang lugar.
Dumami na nga ang kanyang mga tagahanga subalit nananatili pa rin siyang mapagpakumbaba.
Source: Furry Category




No comments