Isang inang iniwan ng kanyang mga anak, natagpuan ng nagmalasakit na kapitbahay sa ilalim ng lababo.
![]() |
| Larawan ay mula kay Kristine Vargas Tatad - Facebook |
Viral ngayon sa social media ang video na i-p-in-ost ng isang concerned netizen na si Kristine Vargas Tatad. Makikita kasi sa video na ito ang kalunos-lunos na kalagayan ng kanilang kapitbahay nang matagpuan nila ito sa ilalim ng lababo.
Walang saplot ang babae, bedridden at naliligo sa kanyang sariling ihi at dumi. Hindi rin siya makakilos at sinasabing dalawang araw na raw siyang iniwan ng mga anak sa kanilang abandonadong bahay nang wala man lamang daw pagkain na iniwan.
Base sa isang artikulo ng “KAMI,” lumipat na raw ang mga anak ng paralisadong nanay na ito subalit sa kasamaang palad ay hindi raw nila ito isinama na halos buto’t balat na lamang.
Naiyak na lamang daw ang ina ni Tatad nang makita ang kaawa-awang kalagayan ng kanilang kapitbahay na humingi ng saklolo sa kanila. Nang tinanong ng kanyang ina ang matandang nakahandusay sa ilalim ng lababo, sinabi niyang iniwan daw siya ng kanyang mga anak.
Nang makita raw ng mag-ina ang matanda, agad daw nila itong binalutan ng tela dahil tinakpan lamang daw siya gamit ang isang plywood at sa tabi naman nito’y isang container ng tubig.
Sa kuwento ni Tatad, dalawang araw na raw ang lumipas simula nang iwan ng kanyang mga anak ang matandang ito na hindi man lang iniwanan ng makakain at hindi man lang dinamitan.
Dali-dali naman daw nilang nilinisan, pinakain at binihisan ang matanda dahil hindi na raw talaga ito makagalaw dulot ng ilang araw na hindi pagkakakain. Kung hindi raw siya agad nakita nina Tatad ay maaaring binawian na siya ng buhay.
Hinanap din nila ang mga anak ng nanay na ito upang alamin kung bakit daw nila nagawang iwan nang mag-isa ang kanilang ina.
At sa tulong nga ng kanilang barangay, natunton nila ang bagong nilipatang bahay ng mga anak nito. Agad naman daw nagtungo ang mga anak sa kanilang naiwang ina at kasama pa raw ang asawa nito.
Katwiran ng mga anak, hindi raw nila pinabayaan ang kanilang ina; sa katunayan daw ay babalikan naman daw nila ito – inuna lamang daw nila ang kanilang mga kagamitan.
Agad naman silang sinagot ng mga sumaklolo sa matanda at pinagsabihang hindi dapat kagamitan ang una nilang sininop.
Bagkus, dapat daw ay inuna muna nilang inintindi ang kalagayan ng kanilang ina.
Sa panibagong post naman ni Tatad, makikitang maayos naman na ang kalagayan ng kanilang kapitbahay at kinuha na rin daw siya ng kanyang mga anak.
Sa pangambang baka ulitin daw muli ng mga anak ang pang-iiwan sa kanilang inang may iniindang kondisyon, nagpasya raw sina Tatad na humingi ng tulong sa DSWD sa nilipatang lugar ng mag-iina upang masubaybayan daw ito.
Marami ang naantig sa kaawa-awang kalagayan ni Nanay. May ilan namang nainis at nagalit at sinabing mas masahol pa raw sa hayop ang ginawang pagtrato sa matanda matapos siyang iwan sa kabila ng kaniyang kondisyon.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa two million views ang nasabing video ni Nanay.
Narito ang buong post ni Tatad sa kanyang Facebook account:
“July 7, 2020 12:30
Nangangatog ako sa pangyayaring ito, tinawag ako ng mama ko mula sa kwarto para magpatulong buhatin ung matanda nagdala sya ng tela , pagpunta namin dun sa paupahan ganito naabutan namin, bahay n mabaho at wala ng gamit at matandang babae na nakahiga sa ilalim ng lababo nakahubad at tinakpan ng plywood at 1 container ng tubig tinanung ni mama kung kumain na binigyan daw ng pagkain ng kapitbhay, umiiyak sya at sinabing iniwan sya , iyak ng iyak mama ko makita sitwasyon.
Ang kwento ng nagpapaupa naglipat n daw mga anak nya 2days ago, at alam ko intensyon nilang iwan nanay nila doon ng nakahubad, walang pagkain sa ilalim ng lababo at takpan ng plywood, maririnig nyo sa video ang usapan , umuwe ung anak dahil nag message kami sa fb n my mga taga barangay na kaya dali daling umuwe isang anak at asawa netong kumag ,,
ang sabi ng anak di nmn daw nila papabayaan nanay nila babalikan nmn daw nila kc inuna lng gamit sagot ko dapat nanay nyo inuna nyo hnd gamit, maniniwala ka bang babalikan pa nila eh 2days nilang iniwan at walang pagkain, walang kasama shit kayo! Sa background maririnig nyo habng kausap nmin ung anak nagsalita ung asawa, di mo kailangang magpaliwag, paliguan mo na. Maiiyak ka na lng talga bkit may mga ganyan tao. Sana mareport to sa brgy o kay #raffytulfo.
Pa share para sumikat itong mga walanghiyang mga anak at asawa.
Sumakit dibdib ko at tyan ko, nkaka stress.
Kayo na lng po humusga”
Source: Furry Category

No comments