Isang Jeepney driver at pamilya nito, tumira na lamang sa loob ng kanilang jeepney matapos paalisin sa nirerentahang bahay sa Sta. Cruz, Manila
![]() |
| Larawan ay mula kay Dannyboy Pata - Facebook |
Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang driver kasama ang pamilya nito na nakatira na lamang ngayon sa kanilang jeepney matapos umano silang paalisin sa nirerentahan nilang bahay sa Sta. Cruz, Manila.
Sa isang Facebook post ni Dannyboy Pata, makikita ang pamilya sa loob ng jeep habang nilalaro ang mga bata. Caption ng naturang post:
“Jeepney driver plying Sta. Cruz to Baclaran Jordan Salazar along with his family on Thursday, July 2, 2020, paly with their kids inside their jeep that turn to be their house after they evicted from their rented room in Sta. Cruz Manila. DANNY PATA”
Umani naman ito ng simpatiya mula sa mga netizens.
Ani ng isa, “Diskarte ang kailangan sa buhay.”
Sabi naman ng isa, kung mayaman lang daw siya at maaaring magbigay ng trabaho, hahandugan niya raw sana ang driver ng posisyon upang kumita ito’t may maipantutustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi naman daw masama ang pagbibigay ng pera subalit madali raw itong mawala “and then they will be back to 0 again.”
“Nakakadurog ng puso,” pahayag naman ng isa.
Samantala, may ilang nagkomento at tinatanong kung nasaan na raw ang pamilya dahil nais daw nilang mag-abot ng kanilang mga tulong.
Sa kasalukuyan ay umani na ng higit 40,000 reacts, halos 4,400 comments at higit 26,000 shares ang naturang post.
Source: Dannyboy Pata - Facebook
Source: Furry Category


No comments