Isang lungsod sa Inner Mongolia sa China, nagbabala matapos magkaroon ng suspected Bubonic Plague Case
![]() |
| Larawan ay mula sa Google |
Nagbabala ang mga awtoridad sa isang siyudad sa Chinese region of Inner Mongolia noong Linggo, isang araw matapos mag-report ang isang ospital ng kaso ng suspected bubonic plague.
Inanunsyo ng health committee ng lungsod ng Bayan Nur ang third level alert dahil sa posibleng kaso ng nasabing sakit.
Ipinagbabawal na ang paghuli at pagkain ng mga hayop na maaaring magdala o carrier ng plague. Sinabihan din ang publiko na i-report ang mga taong hinihinalang may sakit o may lagnat. Kung makakikita ng may sakit o patay na marmot, ibalita rin sa awtoridad.
Nito lamang Nobyembre, nakapagtala na rin ng apat na kaso ng plague sa Inner Mongolia. Mas malalang pneumonic plague ang dalawa sa mga kasong ito.
Ang bubonic plague ay hindi na bago para sa bansang China dahil dati na silang nakapagtatala ng ganitong kaso. Hindi pangkaraniwan ang mga outbreak kaya ibayong pagbabantay ang ginagawa ng pamahalaan nila.
Nakapagtala na ng 26 na kaso ng bubonic plague sa China, mula noong 2009 hanggang 2018. Mula sa mga kasong ito, labing-isa ang namatay.
Ang bubonic plague ay isang sakit na nakahahawa at nakamamátay. Ang karaniwang sintomas ng bubonic plague ay sakit ng ulo at malalang lagnat.
Pamamaga naman sa lalamunan ang sintomas ng pneumonic plague. Ang bubonic plague ay tinatawag ding “Black Death.”
Noong 1300s, umabot sa 20 – 30 milyong katao ang namatay sa Europe dahil sa naturang sakit.
Nakapagtala rin ng mga kaso sa bansang Madagascar, Mongolia, at Mozambique.
Source: GMA Public Affairs
Source: Furry Category





No comments