Header Ads

Isang Magsasaka, kinagat at tinaga raw ng isang Unggoy.


Larawan ay mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho - Facebook Page 

Viral ngayon sa social media ang post na ibinahagi ng official Facebook page ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Isang magsasaka kasi sa Maripipi Island sa Biliran ang tinaga umano ng isang unggoy.

Ayon sa caption ng naturang post, sinabi ng magsasakang si “Jeff:”

“Masama ‘yong titig niya sa akin. Pagkatalon niya kinagat niya ang hita ko. Natumba ako. Sunod niyang inagaw ang itak ko! Dalawang beses niyang initak ang daliri ko! Takot na takot ako kasi akalo ko papatayin na ko ng unggoy na ‘yon!”


Makikita sa mga larawang kalakip ng post na ito ang unggoy na tumaga umano kay “Jeff.” Mapapansin din sa mga litrato ang kuha sa sugat ang kamay at paa ni “Jeff” habang ginagamot ng mga doktor.

Umani naman ito ng samot-saring reaksyon mula sa mga netizens. Basahin ang ilan sa mga ito rito:

“Sadly we have done far more despicable things to animals than this. Get well soon kuya.”

“Mostly kapag ganito ang reaction nang unggoy malamang na trauma yan, kaya wag po nating sisihin ang unggoy.”

“Mabait po ang mga hayop tulad ng ganto. Not unless na threatened po sila o sinasaktan talaga. Ang mga ganito pong hayop ay dapat nasa totoong tirahan nila. May feelings din po ang hayop tulad natin hindi lang din natin sila maintindihan.”

Sa ngayon ay mayroon nang higit 61,000 reacts, halos 5,200 comments at higit 7,800 shares ang nasabing post.




Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.