Komedyanteng si Michael V. nagpositibo sa COVID-19
![]() |
| Source: Michael V. #BitoyStory / Youtube |
Komedyanteng si Beethoven del Valle Bunagan o mas kilala sa bilang Michael V, inanunsyo sa kanyang lastest vlog na positibo siya sa C0VID-19.
Ayon kay Michael V, nakaranas siya ng flu-like symptoms kaya naman agad agad siyang nag i-solate at nagpa-test.
"Siyempre nag-isolate na kagad ako, nag-quarantine na kagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online. I got better the following day," ang sabi niya.
"Wala akong maamoy ngayon, kumuha ako ng mga strong na perfume na normally ginagamit ko — alcohol, eucalyptus food — medyo weird. Wala akong masyadong maamoy," dagdag pa niya.
"We've been really strict about safety. 'Yung social distancing pina-practice namin yun, yung PPEs, every time we go out and interact with other people and 'pag lumalabas kami, normally nga halos wala talaga kaming labas eh. Very, very minimal yung times na lumabas kami,"
"Nakakainis lang na ang lapit-lapit lang nila na sa kabilang kwarto lang and yet 'di mo sila mahawakan. Hindi mo sila mahalikan. I feel bad but kaya. Hopefully, we'll get through this and hopefully everything will be OK. We'll see," maluha-luhang kwento niya.
Pinaalalahanan niya rin ang publiko na hindi biro at huwag ipawalang bahala ang sakit na ito.
Isa lamang si Michael V sa mga celebrities na tinamaan ng coronavirus tulad nila Iza Calzado, Christopher de Leon at Howie Severino.
Watch full video: Michael V. #BitoyStory
Source: Furry Category

No comments