"Kuya wala kami binawasan diyan" Dalawang batang kalye, nag-sauli ng napulot nilang wallet na may lamang pera ng walang bawas
![]() |
| Source: Xer Yoker / Facebook |
Dahil sa laki ng populasyon ng Pilipinas, maraming mga bata ang nagkalat sa lansangan dahil napapabayaan ng kanilang mga magulang. Isang rason ay dahil sa kahirapan, marami sa kanila ang walang permanenteng bahay o tirahan at mas masaklap pa, ang iba sa kanila ay walang mga magulang.
Source: Xer Yoker / Facebook
Madalas na nabubuhay ang mga bata ito sa pamamagitan ng pamamalimos sa mga dumadaan mapa-pera man ito o pagkain. Kung wala ng magbibigay sakanila ng limos ay wala na silang ibang pagkukuhanan ng pangkain.
Nakakalungkot isipin na may mga batang lumalaki sa lansangan at hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Madalas ring pagkamalahang magnanakaw ang mga ito dahil ang iba sa kanila ay napipilitang gumawa ng masama dahil sa walang makain. Imbes na nag-aaral sila sa eskwelahan, natututo silang dumiskarte sa kalsada upang mairaos ang pang araw-araw.
Ngunit pinatunayan ng dalawang batang ito na hindi lahat ng batang palaboy ay kayang gumawa ng masama. Bagama't hirap sa buhay, marami pa rin sa kanila ang may mabuting kalooban.
Source: Xer Yoker / Facebook
Sa facebook post ni Xer Yoker, dalawang batang palaboy ang nakapulot ng wallet na may lamang pera at mahahalagang ID.
Kahit nangangailangan ng pera, umiral ang kabuting loob ng dalawang batang ito at hindi pinag interesan ang lamang pera at sa halip ay isinauli nila ang wallet at laman nito ng walang bawas.
Ibinigay nila ang napulot na wallet sa isang guwardiya upang maisauli ito sa may ari.
Kita sa mga larawan na binigay nila ang wallet at kumpletong laman nito, pabiro pa nilang sinabi na "Kuya wala kami binawasan diyan."
Source: Xer Yoker / Facebook
Source: Xer Yoker / Facebook
Napag alaman ng guwardiya na humigit kumulang isang libo ang laman ng wallet at isang ID ng lalaki na nag ngangalang Sherwin Ayag.
Dahil dito umani ng maraming papuri mula sa mga netizens ang kabutihang ginawa ng dalawang bata. Umabot sa 6,600 reactions at 8,600 shares ang post na ito.
Source: Xer Yoker / Facebook
Source: Furry Category





No comments