Header Ads

Lalaking college graduate nagbahagi ng opinyon tungkol sa pagiging call center, Kinagalit ng maraming netizen

Larawan ay mula kay Vince Manjar - Facebook


Viral ngayon sa social media ang opinyong ibinahagi ng isang netizen tungkol sa pagiging call center ng isang college graduate.

Sa post na ibinahagi ni Vince Manjar sa Facebook group na “BPO Secret Files Community,” ipinakita niya ang isang larawan ng tila screenshot ng isang Facebook post din ng isang netizen sa isa ring online group. Caption kasi ni Manjar: “Kayo na humusga haha.”
Larawan ay mula sa Facebook

Ayon kasi sa screenshot, ibinahagi ng netizen na si Carlos Miguel A. Gaisano sa Facebook group na “Call Center Job Hiring Philippines” ang kanyang opinyon tungkol sa “salary offer” sa mga college graduate na nagtatrabaho ngayon sa call center dahil sa pandemya.

Ayon sa post ni Gaisano, “Magkano ba highest salary offer for a college grad if wala na kameng choice during this pandemic and mag ccall center nalang? Di ba dapat lang mas mataas offer namen sa mga SHS and high school grad lang? Tyia. Mag call center nalang muna ako kahit malaking kahihiyan sa family ko hehe.”

Dagdag pa ni Gaisano, nagtataka raw siya kung bakit ang daming bumabatikos sa kanya sa comment section ng kanyang post dahil ayon daw sa kaniyang naririnig ay “very uncivilized and unprofessional” daw ang mga tao sa naturang industriya.

“Edit: why hating on me sa comments? I mean from what me and my friends are hearing about the industry very uncivilized and unprofessional daw mga tao. Imagine mga babae nagiging kabit, mga lalake pumapatol sa bading, tapos mga bading na dating nanggugupit lang sa parlor at nagtitinda ng mani sa daan nakakapasa. So kahit sino nalang pala pwde mag work sa ganyang kababang trabaho. Thanks for the realization.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Basahin ang ilan sa mga ito rito:

“Ito yung mga tipo siguro na sa mga security guard pa lang ng mga callcenter bumabagsak na.”

“mtagal nay an sawi sa pagiging csr kya nging dkilang basher.”

“HUWAG MAGPAUTO GUYS. Known troll acct na to dati pa. Wag nyo na kaseng pansinin pa, uhaw lang sa attention yan kaya naghahanap ng reacts saka shares. Don’t take the goddamn bait.”

Sa ngayon ay mayroon nang higit 9,100 reacts, halos 1,500 comments at higit 12,000 shares ang naturang post.
Larawan ay mula kay Vince Manjar - Facebook

Source: Vince Manjar - Facebook

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.