Mag, ama na nakatira na lamang sa Kariton matapos mawalan ng trabaho ang Padre de Pamilya
![]() |
| Mga larawan ay mula sa INQUIRER.net |
Marami nang dagok sa buhay ang pinagdaraanan ngayon ng karamihan sa ating mga Pilipino. Dulot na rin marahil ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, marami na ang nawalan ng trabaho, bahay, at marami pang iba. Subalit sabi nga nila, diskarte ang kailangan upang mabuhay.
Tulad na lamang ng post na ibinahagi ng “INQUIRER.net” sa kanilang Facebook page. Makikita ang mag-ama sa mga kuhang larawan ni Niño Jesus ng “Philippine Daily Inquirer” na nakatira na lamang ngayon sa isang 1 x 2 meters na kariton matapos umanong mawalan ng trabaho ang padre de pamilya.
larawan ay mula sa INQUIRER.net
Caption ng naturang post: “LOOK: A 1x2 meters pushcart has been the home of Rodel Mojica, 46, and his four-year-old son Ruben for months now after they went homeless when he lost his job as a laborer in a construction company. Rodel, a Guinobatan, Albay native, built their wooden house out of plywood scraps with wheels at the bottom. They are currently parked along the Pasig River in Guadalupe, Makati City on Thursday, July 2.”
Naantig naman ang puso ng mga netizens dahil sa kuwentong ito.
Sabi ng isa, “We will never know his son might become a well respected teacher, doctor or engineer in the future hang on lang po sir and keep the faith.”
Pahayag naman ng isang netizen, dasal lang daw ang kaya niyang maialay para sa mag-ama ngayon. Hiling pa niyang sana ay lagi silang gagabayan ng Panginoon.
“Yan dapat ang inaatupag ng gobyerno natin eh, ang matulungan ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID 19 kaso iba ang pinagkaka abalahan, mga bagay na di naman nakaka apekto sa ordinaryong mamamayan,” ani naman ng isa pa.
Sa mga nais daw tumulong kina Mang Rodel at sa anak nito, maaaring tumawag lamang sa numerong 09155939277.
Samantala, umani na ng halos 19,000 reacts, 634 comments, at higit 4,700 shares ang naturang post.
Source: INQUIRER.net
Source: Furry Category



No comments