Magandang babae, ipinakilala at pinagmalaki ang kanyang asawa sa social media sa kabila ng mga panlalait ng iba
![]() |
| Source: Video Dunia Viral / Facebook |
Tunay ngang kakaiba ang hiwagang dulot ng tunay na pag-ibig. Anuman ang kulay, itsura, o pinanggalingan ng isang tao, kung tapat ang pagmamahalan nilang dalawa ng kanyang kapareha – tiyak na mamumuhay sila nang masaya sa piling ng isa’t isa.
Trending kasi ngayon sa social media ang ilang mga litrato ng isang masaya at kuntentong pamilya.
Masisilayan kasi sa mga larawan na tila kakaiba ang itsura ng lalaki. Subalit, makikita naman na tanggap siya ng kanyang magandang asawang babae na halata rin namang masaya kasama pa ang kanilang tatlong anak.
Dahil sa ipinakitang pagtanggap na ito ng babae, maraming mga netizens ang humanga sa kanya, pati na rin sa kanilang pamilya.
“We are all beautiful and handsome in d eyes of our Lord. He made us as resemblance of his image thus, we deserve to be loved by someone who loved us unconditionally no matter what and who we are. God bless to them. Beautiful family,” pahayag ng isang netizen.
Sabi naman ng isa, aanhin nga naman daw ang kagwapuhan kung babaero naman ito. Kung kaya naman, dapat daw unahing pillin ang may mas mabuting kalooban kaysa sa may magandang panlabas na anyo.
Subalit, kahit na may mga nagbigay ng positibong komento, mayroon pa rin namang tila kontra sa pag-iibigang tulad nito.
May ilan kasing nagsasabing tila hindi raw totoo ang ganitong klase ng pagmamahalan dahil hindi raw sila naniniwalang na-inlove daw talaga ang babaeng ito sa lalaki.
Gayunpaman, hindi naman mahalaga kung ano ang sinasabi at sasabihin ng ibang tao. Basta’t ang mahalaga, nagmamahalan ang dalawang ito at masaya silang nagsasama kapiling ang kanilang binuong pamilya.
Source: Furry Category






No comments