Header Ads

Misis na buntis, naghanap ng ibang babae para mag-alaga sa kanyang asawa

Source:  TiQa Ummimerahjambu Facebook


Normal lang sa relasyon na magkaroon ng selos dahil hindi talaga ito maiiwasan lalo na kung nagmamahalan kayong dalawa. Hindi rin naman makakabuti ang pagseselos ng sobra lalo na kung walang makatwirang dahilan.


Hindi maganda ang naidudulot ng pagseselos ng wala sa lugar sa isang relasyon, madalas ay ito ang nagiging sanhi ng hiwalayan.

Ngunit kakaiba ang isang misis na ito na mula sa Shah Alam, Malaysia na si Khazatul Atiqah. Hindi issue sa kanya ang selos dahil siya pa mismo ang naghanap ng ibang babae para maging pangalawang asawa ng kanyang mister.

Ayon kay Khazatul, noong siya ay nabuntis napansin niyang laging pagod ang kanyang asawa galing sa trabaho kaya naman naisip niya ang kakaibang ideya na ito.


Bilang padre de pamilya, kailangang magpursige si Samuel sa pagtatrabaho lalo na at buntis ang kanyang asawa at magkakaroon na sila ng anak. Maliban dito dahil buntis ang kanyang misis, siya narin mismo ang gumagawa ng mga gawain bahay.

Kaya naman hindi maiwasan ng kanyang misis na mag-alala para sa kanya sa araw-araw na nakikita niya. Sensitibo rin siya sa kanyang pagbubuntis kaya hindi niya magampanan ng mabuti ang pagiging asawa sa kanyang mister. Kaya dito na niya naisip na maghanap siya ng pangalawang asawa para sa kanyang mister.

Bilang muslim, pinapayagan sila na magkaroon ng dalawang asawa o higit pa basta't kaya niya silang sustentuhan.

Napili ni Khazatul si Nur Fathonah na isang single mom. Ayon sa kanya, magiging perpektong pangalawang asawa siya para sa kanyang mister at para sa kanya ay magkakasundo sila ng mabuti.

Ayon din kay Nur, nagulat nalang siya ng makatanggap siya ng mensahe mula kay Khazatul. Hindi raw sumagi sa isip niya na ikakasal siya ulit, ngunit matapos silang mag-usap na tatlo ay pumayag rin siya.



Matapos ang kasal ni Samuel sa kanyang pangalawang asawa, naging maayos naman ang kanilang relasyon. Masaya rin si Khazatul dahil mayroon ng nag-aalaga at nagpapasaya ng kanyang mister at nagkasundo rin sila ni Nur.


Para kay Khazatul, nakahanap rin siya ng bagong bestfriend.



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.