Pakistani, Namahagi ng tulong sa 300 OFW sa Dubai laban sa C0VID-19
![]() |
| Larawan ay mula sa Facebook video at Google |
Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang magbigay ng tulong sa kapwa. Pero mayroon din namang mga dayuhan ang taos pusong tumutulong, kahit na sa hindi nila kababayan.
Sa post ng Facebook page na Ronda Brigada, makikita ang isang Pakistani na nag-aabot ng ayuda sa mga Pilipinong OFW sa Dubai.
Ang Pakistani ay kinilalang si Muhammad Yasir. Ayon sa kanya, noong July 02, 2020 ay papunta umano siya sa isang grocery market. Ipinagtaka raw ni Muhammad kung bakit maraming
Pilipino ang nakapila sa labas ng pamilihan. Sabi ng isang Pinoy na kanyang nakausap, nag-aabang daw sila ng tulong mula sa taong nangako sa kanila ngunit sila ay nabigo.
Kaya naman, si Muhammad na ang tumupad nito at nagbigay ng tulong.
Nasa 300 mga OFW ang nabahagian ng grocery items at pagkain.
Lubos na nagpapasalamat ang mga OFW.
Isa na si Mjoy Baldove sa nakatanggap ng tulong. Isang taon na umano siyang nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
“Kinuhanan ko po siya ng video kasi na-inspire po ako sa kanya, kasi even na hindi po siya Pinoy, hindi po siya kababayan. Pero pusong Pinoy po siya na tumutulong sa mga kababayan natin na walang trabaho dito, na ‘No work, no pay’ po dito sa Dubai.”
Isang marketing officer ng isang kompanya ng sasakyan si Muhammad. Sa katunayan, karamihan daw ng kanyang mga customer ay Pinoy kaya naman ay napalapit na siya sa mga ito.
Ani Muhammad, “My message to all, you should have to be responsible for everything because we have families…”
Muli namang nagpasalamat si Mjoy at hiniling niyang marami pa sanang matulungan ang Pakistani.
Umani naman ito ng positibong komento mula sa mga netizens.
“Thank you so much.. for helping ofw in dubai.. God bless.”
“May Allah bless you sir.”
“Thank you Sir for helping our Filipino people there. God bless you. More blessings to you..”
Sa ngayon ay mayroon na itong 14K reacts, 823 comments, at 2.3K shares.
Source: Ronda Brigada - Facebook Page
Source: Furry Category

No comments