Header Ads

Pamangkin ni Meyah Amatorio na si Adrian Ramos nakitang walang ng buhay malapit sa lugar na pinaslang si Jang Lucero

Larawan: Screenshot mula sa GMA News


Mainit na balita kahapon ang pagkadukot nina Meyah Amatorio at  Adrian Ramos ng mga armadong lalaki. Ang pagdukot at pagtakas ng mga armadong lalaki ay nakuhanan pa ito ng litrato at CCTV.
Larawan: Screenshot mula sa GMA News

Si Meyah Amatorio ay ang kasintahan ni Jang Lucero pinat@y sa Laguna at natagpuang tadtad ito ng saks@k sa loob ng kanyang sasakyan noong nakaraang buwan lamang.
Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Si Adrian Ramos naman ay ang pamangkin Ni Meyah Amatorio.
Larawan ay mula sa Facebook

Ayon sa balita ng GMA News 24 Oras, natagpuan ng b@ngkay ang dinukot na si Adrian Ramos, ilang metro lang ang layo kung saan natagpuan noon ang bangk@y ni Lucero.

Makikita sa kuha ng GMA News na may takip na karton ang b@ngkay ni Adrian at may nakasulat na.

"Mamamatay tao, pusher, hoodlum ako Wag tularan!!"

Nakilala naman ng mga kaanak ni Adrian Ramos dahil sa pilay o peklat sa kanang paa na nakuha sa isang aksidente.

Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad kay Amatorio. At patuloy din ang imbestigasyon para alamin ang mga nasa likod ng pangyayaring ito.

Ayon sa pahayag ni PLTCOL. Chit Gaoiran sa GMA News.
"Mahalagang ipagpatuloy ang isinasagawang imbestigasyon at alamin kung ano yung posible na motives sa insidenteng ito, at sino ang nasa likod, o kung anong grupo ang nasa likod ng insidenteng ito."

Source: GMA News

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.