Rep. Marcoleta sa TVplus box ng ABS-CBN: “Ang multa na sisingilin sa ABS-CBN ay P1.97-trillion”
![]() |
|
Source: ABS-CBN
|
Iminungkahi ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta sa National Telecommunications Commission (NTC) na singilin at pagmultahin ang ABS-CBN dahil sa pagbebenta nila ng TVplus digital boxes ng walang pahintulot o authorization mula sa gobyerno, at ayon sa kanya ang pwedeng multa ng kompanya ay aabot sa P1.97-trillion.

Source: ABS-CBN
Nang tanungin si Marcoleta kung saan pwedeng kunin ng ABS-CBN ang pambayad sa multa, sinabi niyang kukunin ito sa lahat ng mga property assets ng mga Lopez sa Pilipinas.
“Ipunin natin lahat ng pag-aari nila sa Pilipinas, marami pa naman siguro iyun. Ia-attach natin lahat ng pag-aari nila.”
Nabanggit din niya ang planong pagtake-over sa ABS-CBN compound pati narin sa mga equipment at facilities nito.
“Para makuha natin kaagad yun kasi komo ‘yung principal, ‘yung lupa, wala silang mabubuhat dun. Lahat ng mga chattel dun, improvements dun e pag-aari na ng gobyerno ‘yun sapagkat ang lupa ay sa gobyerno. Lahat yun, accessories.”
Sinabi din ni Marcoleta sa NTC na kailangang ipasara ang Sky Cable nag-eere ng ABS-CBN News Channel o ANC.
Sa pahayag naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, pine-pressure ang ABS-CBN para ibenta ng mga Lopez ang broadcast business nila. Ipinakita rin ni Zarate ang certified true copy ng titulo ng kompanya na siyang “incontrovertible proof of ownership” sa lupa na pagmamay-ari ng TV network.

Source: ABS-CBN
Giit naman ABS-CBN na ang pagbebenta ng TVplus ay naaayon sa plano ng gobyerno na mag-upgrade mula analog system papunta sa digital TV sa 2023.
Source: Furry Category


No comments