Header Ads

Bantay-Salakay? Ibinunyag ni Sara Balabagan na binuntis siya ni GMA Host Arnold Clavio

Source: VERY WANG

Isiniwalat sa social media ng former Overseas Filipino Worker (OFW) na si Sara Balabagan na ang kilalang GMA Host na si Arnold Clavio ang ama ng kanyang panganay na anak.

Napilitan daw si Balabagan na lumantad at magsalita dahil sa viral post na kumalat tungkol sa tunay na ama ng kanyang panganay na anak.

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas… Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko… Idinagdag pa niya na siguro ay will ng nasa Itaas ang mga nangyayari para maitama niya ang lahat ng dapat maitama… Hindi naman po habambuhay, e, buhay ako para sagutin ang mga haka-haka at mga tsismis na ‘yan… Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko… Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon… Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996,

isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story… Alam niyo naman kung gaano siya ka-kengkoy. Hindi kang ‘yung mukha niya kundi pari na rin ‘yung sense of humor niya. Kahit umiiyak ako, e, napapatawa niya ako… Galing ako sa kulungan noon and just imagine kung gaano ako ka-vulnerable noon pero hindi ko po idya-justify kung ano ang nagawa ko po…. Si ‘Kuya Arnold’ din ang kauna-unahang tao na nagpasyal sa akin sa Maynila. At siya rin ang kauna-unahang tao na nagyayang manood sa akin ng sine,” dagdag pa ni Balabagan.


Kwento pa ni Balabagan, dumating pa daw sa punto na sinabihan daw siya ni Clavio na huwag ipagsabi ang kanilang relasyon. Nabuntis daw siya ni Clavio kahit na pamilyadong tao na ang GMA journalist.

“Ang sabi kasi sa akin noon ni Arnold, e, walang aminan. Kahit ano raw ang mangyari, e, ‘wag akong aamin… I was 17 years old nu’ng mga panahon na ‘yun at talagang napaniwala niya ako,” sabi pa ni Balabagan.



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.