Header Ads

Brgy. Captain, Huli sa Aktong Nakikipagt@lik sa kanyang Tresurera Habang naka Live Zoom Meeting

Larawan ay mula sa Google



Paiimbestigahan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang zoom sc@ndal ng isang barangay captain at barangay treasurer sa Dasmariñas, Cavite na nag-viral sa social media.

Sa isang ulat ng ABS-CBN News, sinabi sa TeleRadyo ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na agad nilang paiimbestigahan ang opisyal ng barangay na nakita sa zoom meeting na nakikipagt@lik sa barangay treasurer sa loob mismo ng barangay hall.

Ani Malaya, “Kaagad-agad ho paiimbestigahan natin sa ating regional offices kung ano ang mga posibleng violation nito dahil nga po this is conduct unbecoming of a public official, meron po tayong code of conduct of public official mukhang marami pong nalabag na mga probisyon doon sa batas na yun.”

Binanggit din sa TeleRadyo ni Jamil Ibaldaroza, SK Chairman ng Barangay Fatima, na napanood umano ng buong konseho ang ginawa ng dalawa.

Aksidente raw umanong nakalimutang takpan ng kapitan ang camera ng kanyang cellphone.

“Bale dalawa kasi yung device na nagamit niya daw, yung isa laptop yung isa ay phone, and then gagawin na nila ang act na yun tinakpan niya si laptop then nakalimutan niya na patayin si cellphone kaya na broadcast,” sabi ni Ibardaloza.

Dahil sa nangyari, pumirma na raw ang buong barangay para sa isang petisyon na palitan na ang kanilang kapitan.

Nakiusap na rin daw sila sa mga kabataan na huwag nang ipakalat sa social media ang naturang video.

Dagdag ng SK chairman, “Kaming mga SK m-in-essage na namin sa mga kabataan na huwag nang i-post sa social media kasi maraming kabataan ang nakakakita sa Facebook at hayaan na lang ang batas ang humusga kay Kap.”


Source: Erwin Tulfo - Youtube Channel


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.