Header Ads

Isang foreigner vlogger, namigay ng Free Tablets at Free Wifi sa mga batang Pilipino para sa kanilang online class

Larawan: Screenshot mula sa Youtube video ng The Hungry Syrian Wanderer


“I cannot give everybody but I want to be giving as many as I can.”
Larawan ay mula sa Google

Ito ang sinabi ng vlogger sa likod ng YouTube channel na ‘The Hungry Syrian Wanderer” sa kanyang vlog nito lamang July 28, 2020. Mayroon kasi siyang ginagawang “Project Tablets para sa mga tao” kasama ang Globe at Home Prepaid Wi-Fi, kasama ang mga naipon niya nitong mga nakaraang buwan bilang pandagdag upang maisakatuparan ang proyektong ito. 

Larawan: Screenshot mula sa Youtube video ng The Hungry Syrian Wanderer

Larawan: Screenshot mula sa Youtube video ng The Hungry Syrian Wanderer

Kung tutuusin daw maaari niya raw gamitin ang kanyang talent fee upang bumili ng bagong laptop dahil hindi na raw gumagana ang laptop niya. Maaari niya rin daw itong gamitin sa iba pa niyang kakailanganin subalit nagpasya raw siyang ilaan na lamang ito para sa kanyang proyektong libreng tablets para sa iba na magkakaroon  ng “work from home” at “school/study at home” activities.

Una niyang pinuntahan si Dave, isang employee sa shop niya sa loob na ng ilang buwan. Sabi ng vlogger, “he’s doing good” kaya naisipan niya raw na bigyan siya ng reward.
Larawan: Screenshot mula sa Youtube video ng The Hungry Syrian Wanderer

Mayroon din daw siyang online selling at sinusubukan niya raw magkaroon ng negosyo. Kaya bilang dagdag puhunan ay bibigyan siya ni Basel ng iPad at wifi. Makatutulong daw ito upang magkaroon siya ng extra jobs ngayong panahon ng pandemya.
Pinuntahan ng vlogger ang kanyang employee sa apartment nito. Kinausap niya muna ito bago ibinigay ang sopresang ipad at wifi sa kanya. Masayang-masaya naman si Dave dahil sa regalong ito.
“Sobrang makakatulong po ‘to Sir,” ani Dave na nagtitinda online ng mga damit.
Ipinakita rin ni Dave kung paano niya ipino-post sa kanyang social media accounts ang mga produkto niyang damit na kinukuha niya raw muna sa isang supplier at saka ibebenta online.
“Thank you so much,” pagpapasalamat muli ni Dave sa nasabing vlogger.
Sa sumunod na bahagi naman ng video, isinasalaysay ni Basel ang pag-anyaya niya sa batang si Joshua. Isa raw siya sa mga batang natulungan na niya noon. Nahirapan daw siyang hanapin muli ito subalit nagkataon naman daw na nakita niya itong patawid ng kalsada sa mga oras na iyon. Kaya inimbitahan na niya ito upang pumunta sa loob ng kanyang shop.
Larawan: Screenshot mula sa Youtube video ng The Hungry Syrian Wanderer

Larawan: Screenshot mula sa Youtube video ng The Hungry Syrian Wanderer

Larawan: Screenshot mula sa Youtube video ng The Hungry Syrian Wanderer


“Nag-aaral ka?” tanong sa kanya ng vlogger.

“Opo,” sagot naman ni Joshua.
Nang tinanong kung paano siya mag-aaral ngayon, sinabi niyang gagamit lamang daw siya ng modules at mga test papers na ibibigay at ipasasagot ng kanyang mga guro.
Ilang sandali ay tinanong siya ng vlogger kung ano ang hiling niya. Kahit ano raw, sagot ni Joshua, basta’t may gadget o pang-Internet siyang gagamitin.
Nang kinumpirma ng 12 taong gulang na bata na may online classes sila, ani ng vlogger, “May regalo ako sa’yo.”
Pinapili niya ang bata sa mga box na nakalagay sa isang parte ng kanyang shop. Pinili niya ang isang puting box. Matapos nito’y muli siyang humarap sa vlogger. Tumayo sa pagkakaupo ang vlogger sabay sambit kay Joshua ng mga katagang, “This box is yours.”
Agad na napaluha ang bata habang binabati siya ng iba pang empleyado ng vlogger na naroon ng mga oras na iyon.
Pinasubok naman agad ng vlogger kay Joshua ang bago niyang gadget. Sinabi niya ring mayroon nang mga naka-install na applications dito na maaaring magamit at makatulong sa kanya para sa kanyang pag-aaral.
Binigyan niya rin ng libreng wi-fi ang bata.
“Maraming salamat po,” ani Joshua habang ginagabayan siya ng vlogger kung paano gamitin ang iba pang parte ng bago niyang iPad. Dagdag pa ng bata, “God bless po sa inyo.”
“You’re welcome,” sagot naman ng vlogger.
Nang tinanong kung ano ang nais na propesyon ni Joshua sa kanyang paglaki, sagot niya:
“Doktor po. Kasi po para matulungan ‘yong mga may sakit po.”
Sinabi pa nga ng vlogger na kung makaka-graduate na si Joshua ay bumisita siya sa kanyang shop.
Masayang umuwi si Joshua bitbit ang kanyang bagong gadget.
Ibinahagi naman ng vlogger sa huling bahagi ng kanyang video na may natitira pa rin siyang mga iPad na ipantutulong niya pa rin sa mga taong may online business at magkakaroon ng mga online classes.



Source: The Hungry Syrian Wanderer  - Youtube Channel

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.