Header Ads

Isang PWD ang sinampal, dinuroduro at sinigawan ng isang lalaki habang namamalimos. [Video]

Larawan: Screenshot mula sa post ng Trending Viral - Facebook Page



Nakakalungkot isispin na kahit ang isang walang kalaban laban na lalaking may kapansanan ay hindi pinalampas ng isang lalaking may malaki ang katawan.

Sa hapil na tulongan ito ay kanyang sinampal ang PWD, binulyawan at pinagduduro.

Makikita sa video na napakalakas ng pagkasampal ng lalaking nakaputi sa isang PWD. Pagkasampal niya di pa nakuntinto at pinagduduro at binulyawan pa niya ito.

Larawan: Screenshot mula sa post ng Trending Viral - Facebook Page

Larawan: Screenshot mula sa post ng Trending Viral - Facebook Page


Mabuti na lang at nandiyan si Manong Guard na nag-aawat dahil kung hindi ay baka napano na ang kaawa-awang PWD dahil tila nanggagalaiti ang lalaking nakaputi.

Larawan: Screenshot mula sa post ng Trending Viral - Facebook Page

Maririnig din sa video na sinabi ng PWD na ire-reklamo niya ang lalaking nanakit sa kanyan.

Ngunit matapang talaga ang lalaking nakaputi at sinabing "sige magreklamo ka".

Hindi naman natin alam ang puno´t dulo ng kanilang pagtatalo ay hindi parin tama na manakit tayo ng kapwa natin lalong lalo ang isang PWD.


Narito naman ang buong post ng 92.9 Brigada News Cauayan City sa kanilang Facebook Page:

"TIGNAN: Isang PWD ang sinampal at binulyawan ng isang lalaki sa bahagi ng Talavera Compound sa Cauayan City."

"Batay sa ibinahaging video sa 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa isang netizen, makikita ang mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa humantong sa pananampal ng lalaki sa naturang PWD."

"Sinasabing ang nanampal na lalaki ay isa umanong tricycle driver."




Source: 92.9 Brigada News - Facebook Page


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.