Kilalanin ang lalaking nag order ng kanin at tubig lang sa isang fast food restaurant
Larawan ay mula sa Philippine Star - Facebook Page |
Viral ngayon sa social media ang kuwento ng pagtulong ng isang staff ng isang fast food restaurant sa Pampanga sa isang lalaking nag-order lamang ng isang cup ng kanin at tubig.
Ayon sa Facebook post ng “Philippine STAR,” ibinahagi ng uploader na si Earl Archievan Calixtro na napansin daw niyang may isang lalaking nanginginig at tila gutom na gutom nang pumasok sa restaurant.
Sabi ni Calixtro, “Pagpasok niya. Tingin nang tingin sa paligid. Tapos ayun pumunta na sa counter um-order. Nung nilapitan ko siya sobrang nanginginig yung katawan niya.”
Larawan ay mula sa Source: Philippine Star - Facebook Page
Umupo malapit kay Calixtro ang lalaki, kaya napansin niyang kumakain lamang siya ng purong kanin lamang. Nilapitan niya raw ito at inalok na bilhan siya ng mas marami pang pagkain. Sumang-ayon daw ang lalaki dahil wala na raw siyang iba pang dalang pera.
Larawan ay mula sa Source: Philippine Star - Facebook Page
Ayon pa kay Calixtro, “‘Di din makapagsalita nang maayos. Sobrang bagal tsaka sobrang hina. Hindi ko alam kung ganon talaga sya. Or dala lang ng pagod at sobrang gutom.”
Subalit, pagbalik niya matapos um-order, nakita niyang nabigyan na siya ng chicken fillet meal mula sa mga crew. Kaya, nagdesisyon na lamang si Calixtro na ipabalot ang pagkaing in-order niya at saka ibinigay sa lalaki.
Larawan ay mula sa Source: Philippine Star - Facebook Page
Paglalahad pa ni Calixtro, galing daw sa Tacloban ang lalaki ang nagpunta lamang daw sa Pampanga upang maghanap ng trabaho.
“Kinausap ko siya sandali pero hindi ko siya maintindihan masyado kasi, sobrang nanginginig sya. Siguro sa sobrang gutom. Plus hirap na din siya magsalita. Ang nakuha ko lang na information is taga TACLOBAN daw siya. Napunta lang siya sa Pampanga para humanap ng work. Sa kasamaang palad inabutan siguro ng lockdown,” ayon sa post ni Calixtro.
Dahil dito, may ilang mga concerned citizens ang nagkomento at kinilala ang lalaki bilang si Junior Mendoza. Sinabi rin nilang nanggaling daw sa Nueva Ecija si Mendoza at naglakad daw siya sa loob ng walong araw patungong Pampanga para maghanap ng trabaho.
Umaasa raw ngayon si Calixtro na maaabot ng kaniyang post ang mga kapamilya ni Mendoza sa Tacloban upang matulungan nila itong makabalik at makauwi sa kanilang tahanan.
Sa ngayon ay umani na ito ng higit 109,000 reacts, halos 6,000 komento at higit 30,000 shares.
Source: Philippine Star - Facebook Page
Source: Furry Category
No comments