Header Ads

Kilalanin ang pinakamatandang babae sa buong mundo na nagsilang ng sanggol sa edad na 72

 

Source: theepochtimes

Ang mabiyayaan ng anak ay isa sa mga pinakamagandang regalo na pwedeng matanggap ng isang tao. Lahat naman siguro ng babae sa buong mundo ay gustong maranasan ang maging isang ina habang ang mga lalaki naman ay maging isang tatay. Ngunit, kasama ng pagiging isang magulang ang responsibilidad na kanilang kailangang gampanan.


Sa kwentong ito, isang babaeng mula sa india ang nanganak sa edad na 72. Si Daljinder Kaur ang pinakamatandang babae na sa buong mundo na nanganak sa ganitong edad.

Source: theepochtimes

Mula pa noong sila ay magpakasal ng kanyang asawa, gusto na nilang magkaroon ng sariling anak, subalit hindi sila agad na biyayaan. Ngunit makalipas ng 46 taon na paghihintay, ang kanilang matagal ng kahilingan na magkaroon ng anak ay natupad na. Sumailalim ang mag-asawa sa IVF o 'In Vitro Fertilization', isa itong proseso kung saan ang isang sperm at egg cell ng mag-asawa ay kinokolekta muna at kapag nabuo na ay ilalagay sa uterus para mabuo at maging isang ganap sanggol.

Hindi alintana ng mag-asawa ang gumastos ng malaki para sa IVF, ginawa  lahat ng mag-asawa ang kanilang makakaya upang makaipon ng pera para sila ay magkaroon na din ng anak. At matapos ang dalawang taon na pagsasailalim sa proseso ng tatlong beses, sila ay nagpapasalamat sa kanilang anak na baby boy.

Source: theepochtimes

Pinangalanan nila ang kanilang anak na si Armaan, siya ay may timbang na 3.9 lbs. Dahil sa edad ng babae, napilitan itong tumigil sa pagpapa-breastfeed kay Armaan makalipas lamang tatlong buwan. Ayon sa kanyang nanay, si Armaan ay masayahaing bata sa kabila ng pagiging underweight nito. Gayunpaman ay punong puno ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang.

Source: theepochtimes

“I love him. He is a friendly child and smiles at everyone. This makes things very easy for me because I can be at ease when someone is around.


“I spend all day with him. We decided not to get any help. He loves his father a lot. He’s always in his arms if I’m busy cooking or doing housework.”

Source: theepochtimes


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.