Header Ads

Mag-asawang nasabugan ng superkalan, humihingi ng tulong

Larawan ay mula sa Kalokohan Ni OG Salbahe - Facebook Page

Humihingi ngayon ng tulong ang mag-asawang sina Juvy at Shery matapos silang masabugan ng super kalan.

Ayon sa mag-asawa, sumabog ang kanilang kalan at nagkaroon sila ng maraming sugat dahil sa nangyari.

Dahil dito, wala sa kanila ang maaaring makapag-hanapbuhay kaya wala silang pambili ng pagkain at gatas ng kanilang dalawang maliliit na anak.

Larawan ay mula sa Kalokohan Ni OG Salbahe - Facebook Page


Sa post ng Facebook page na “Mga Kalokohan Ni OG Salbahe,” makikita ang mga larawan ng mag-asawang pawang may benda ang mga braso, hita at binti. Makikitang nangitim ang kulay ng lalaki, samantalang namamaga naman ang mukha ng babae.

Larawan ay mula sa Kalokohan Ni OG Salbahe - Facebook Page


Talaga namang makikita ang kaawa-awa nilang kalagayan, sa mga litrato, habang kalong ng ama ang isa nilang anak.

Mababasa rin sa naturang post ang ganitong caption: “Kami po ay kumakatok sainyong mga puso.. Nasana po ay ating matulungan ang mag asawang sherry at juvy na nasabugan ng super kalan. Sana po ating matulungan ang mag asawa sila po ay may anak na dalawa at nag gagatas po…

Maraming salamat po sa mabuting kalooban nyo

Taga gulayan catmon malabon po sila.”

Mayroon ng 41 reacts, 7 comments, at 47 shares ang nasabing post.


Source: Mga Kalokohan Ni OG Salbahe - Facebook Page


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.