Isang lalaki inabutan ni Usec. Antiporda na Dumudumi sa Manila Bay
Larawan ay mula sa noypiako |
Ang Manila Bay ang isa sa pinaka-sikat at kilalang pasyalan at atraksyon ng maraming Pilipino sa Maynila na matatagpuan sa Roxas Boulevard, Malate Manila. Ito ay isa ring atraksyong panturista noon at magpahanggang ngayon.
Dahil sa cleanup drive, na isinagawa layunin ng gobyerno na mapanatiling malinis ang Manila Bay.
Ngunit kamakailan lang ay may isang lalaking naaresto matapos abutang dumudumi sa Manila Bay nila Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda habang nagsasagawa ng clean-up drive.
Ayon sa lalaki ay hindi na umano nya mapigilan kaya naisipan nyang sa Manila Bay na lang mag-cr.
Kahit na nagpaliwanag ang lalaki, tinitiyak ni Usec. Antiporda na maaaresto ang lalaki kung saan siya din mismo ang tatayong complainant.
Kung nais natin maayos, maganda at higit sa lahat, malinis na kapaligiran, disiplina ang ating kailangan. Kaya sana sa darating na mga panahon pa ay mapanatili at huwag ng mangyari na masira ang ating kapaligiran dahil lamang sa ating kapabayaan. Bagkus, pagyamamin natin, mahalin at alagaan natin lahat ng mga nilikha ng ating Panginoon.
Source: noypiako
Source: Furry Category
No comments