Jinkee Pacquiao, Napa-Throwback sa mga Wedding Pctures nila ng Asawang si Manny Pacquiao
Source: Jinkee Pacquiao |
Inalala ni Jinkee Pacquiao ang kasal nilang dalawa ng asawa niyang si Manny Pacquiao na kapiling pa rin niya hanggang ngayon matapos ang 21 taon.
Sa kaniyang mga social media accounts, nag-throwback si Jinkee at ipinakita ang larawan nila ni Manny noong ikinasal sila. Biro pa nga niya, “blonde” pa raw ang kulay noon ng buhok ng kaniyang asawa.
Subalit kahit marami na raw silang napagdaanan ay nagpapasalamat pa rin siya sa Panginoon dahil nalampasan daw nila ang lahat ng ito nang magkasama.
“Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat, ang dami nating pinagdaanan, nalamapasan ang mga pagsubok at ngayon mananatiling matatag at malakas sa gabay ng Panginoon!” ani Jinkee sa kaniyang post.
Umani naman ito ng positibong reaksiyon mula sa mga netizens.
“Young and beautiful couple,” komento ng isa sa mga larawang ibinahagi ni Jinkee.
Sabi naman ng isa, mula noon hanggang ngayon ay maganda pa rin daw si Jinkee. Dagdag naman ng isa, “ambait ng mukha ni many.”
Ani pa ng isang netizen, “Nkaka bilib tlga s mga ganitong tao.akalain mo nsa sampling buhay sila noon maraming pagsubok na dumating pero d sila tumigil s pangarap.hanggang s nakamit nila ang matayog na pamumuhay sa ngalan ng pananampalataya at tiwala s maykapal ito sila ngayon…”
Source:
Source: Furry Category
No comments