Mahilig ka tirisin o kalikutin ang iyong mga tigyawat? Marahil ay magdadalawang isip ka ng gawin ito matapos makita ang kuwento ng isang babae na nauwi sa empeksyon matapos niyang tirisin ang kanyang pimple sa ilong.
Dec. 20 = may pimple na ko jan sa may ilong pero hindi pa sya halata kasi nasa loob pa.
Dec. 21 = Goodmorning! ayan na lumabas na sya ngiti ngiti pa di nya alam start na ng delubyo nya haha
Dec 21 = night duty ako, naiirita ako sa pimple ko sa ilong kaya pnrick ko sya sa lab using sterile lancet.
Dec 22 itong pic na to pag uwi ko from duty. piniga ko din ulit yan nung gabi hehe pasaway ako e
Dec 23 = Duty ako, namamaga na yung ilong ko so nagpaconsult na ko. Niresetahan ako ng antibiotics. Sakit na nyan.
Dec 24 = (nakadamit po ako nyan lol ) Paguwi ko from duty, paggising ko ganto na yung ilong ko. Sobrang maga na sya. Parang tinutubuan na ko ng isa pang ilong.
Dec. 25 = Merry Christmas. Napakasakit na nya. Hindi sya nagaling sa gamot na iniinom ko. Nagsstart na din akong lagnatin.
Dec. 26 = ang laki na ng maga ng ilong ko, umabot na sya hanggang sa mata ko at hindi ko na sya masyadong mamulat and nagluluha na din. hindi na din ako makakain dahil di ko masyado mabuka bibig ko.
Dec. 26 = 2pm inadmit na ko.
Dec. 26, 5pm = Inoperahan na ko. Hindi na daw kaya sa gamot dahil sobrang dami na talagang nana ang naipon sa ilong ko kaya kailangan na talaga syang hiwaan ng konti at palabasin.
Sobrang saket pare. Wala halos talab yung local anesthesia which is sinabe din naman ni Dra. kasi daw sobrang maga na ng face ko. Ramdam na ramdam ko bawat pagpiga. During operation hanggang pagkatapos nanginginig ako sa sakit. Ang saklap kasi gising na gising ako.
Dec 26 = After operation, nagnormal agad ang temp ko ng 37°C. Before operation kasi lagi akong may lagnat.
Night after operation hehe nagsstart na mamaga ang fezlak ng bongga
Dec 27 huhu siopao ka ghorL?
Dec 27 = nawala na yung isa kong dimple muka akong napagtulungan sa kanto.
Dec 28 = mejo naliit na hihi
Dec 28 = muka akong itlog
Dec 29 maliit na hihi kala ko pauwi na ko nyan kaso...
After lunch, after ko uminom ng meds ko. Bigla na lang akong nanginig ng matindi. Buong katawan ko di ko mapigil. Naninigas yung tyan ko at hindi na ko makahinga. Sobrang putla ko at yung mga kuko ko nangitim na. 40.5°C ang temp ko.
Maga na both hands ko dahil sa dami ng gamot na kailangang itusok sakin.
di na kaya sa kamay kaya sa braso na
After the panginginig, thank you Lord sa kalakasan. Bumaba na din ulit ang lagnat ko. Sinat na lang.
Dec 30 = Halos wala ng maga yehey. Nadischarde na din ako ng 5pm. Home sweet homeeee!
Jan 1 = After mass, no more tapal sa ilong. Awra awra na ulit kahit mapula pa ilong. Konti nalang magaling na talaga sya hehe
Truly a new year for me. Hindi na ulit magkakalikot ng pimple. Sana kayo din. Kung ayaw nyong magaya sakin. Napakahirap, napakasakit at napakamahal huhu. Muntik na ko matagpasan ng ilong kung nabulok pa to or worst umabot sya sa mata at utak ko.
Thank you Lord. Sana po ay tuloy tuloy na ang aking paggaling.
Source:Aileen Mamaspas
Source: Furry Category
No comments