Naaalala niyo pa ba si Rita Gaviola o mas kilala bilang "Badjao Girl"? Ganito na ang kanyang buhay ngayon
![]() |
| Source: itsritagaviola IG |
Bago pa man sumali sa Pinoy Big Brother (PBB): Lucky Season 7, una nang nakilala ng mga netizens si Rita matapos itong mag viral dahil sa kanyang larawan na kinunan habang namamalimos umano ito sa Hiyas Festival sa Quezon.
Labing tatlong taong gulang lamang noon si Rita subalit, ang natural nitong larawan ay pumukaw sa atensyon ng maraming netizens dahil sa kakaiba at natural nitong kagandahan. Usap-usapan noon si Rita at at marami ang namangha sakanyang itsura.
Ilang taon ang makalipas dalagang-dalaga na ngayon si Rita at mas lumutang pa kanyang natural na ganda. Sa kanyang mga larawan sakanyang Instagram account makikita ang malaking pagbabago sa tinaguriang si ‘Badjao girl’.
Kwento ni Rita, minsan lamang daw sila makakain ng maayos ng kanyang apat na kapatid noon, Malaki ang daw ang pasasalamat niya ngayon dahil kahit papaano ay maayos na ang kanilang pamumuhay.
Kung dati ay nanlilimos lamang sila ni Rita, sa ngayon ay hindi na nila kailangan manlimos para lamang may makain sa pang araw-araw. Nakatira na rin sila sa maayos na bahay ngayon dagdag pa ni Rita.
Lubos ang pasasalamat ni Rita dahil natupad na ang kanyang pangarap at ito ay magkaroon ng pagkakataong makapasok sa eskwelahan. Pumapasok na ngayon si Rita at libreng nakakapag-aral sa tulong ng scholarship na ibinigay sa kanya.
Ayon pa kay Rita, para sakanya ay mahalaga ang makapagtapos ng pag-aaral dahil ito umano ang daan upang mai-ahon niya sa kahirapan ang kanyang pamilya.
Dagdag pa niya, hindi niya raw akalain na ganito kalaki ang pagbabago sa kanilang buhay dahil lamang sa natural niyang larawan na hinangaan sa ng marami sa social media.
Ito ang mensahe niya sa kanyang mga tagahanga sa na ibinihagi sa Instagram:
“Naalala ko pa noong araw na makuhanan ako ng larawan na ito, di ko mawari aking nadarama may takot saking isipan, at konting sayang nararamdaman dahil sa oras na yun di ko alam ang mga posibleng mangyari sakin…
“Ngunit dumating na ang mga diko inaasahang pangyayari. Yoon po ngayon ang aking pinapasalamat. Unang una po sa ating puong may kapal at pangalawa kay kuya Topher na kung di dahil sa kanya, di mangyayari ang lahat lahat ng ito.
“Sa patuloy po na sumusuporta sakin moral at financial support kay mami Grace na andyan lagi para sakin, at sa lahat lahat po ng sumusuporta at nag titiwala sakin… maraming maraming salamat po.Mahal na mahal ko po kayong lahat.”
Ayon sa mga balita mayroon ng mga umaalok kay Rita na maging isang modelo ngunit, mas inuuna nito ang pag-aaral, mas minabuti umano ni Rita na magfocus na lamang muna dito lalo upang makapagtapos siya ng pag-aaral at makatulong pa sakanyang pamilya.
Source: itsritagaviola IG
Source: Furry Category










No comments