‘YORME’ Isko Moreno, Sinigawan at binastos ng isang lalaki
![]() |
Larawan ay mula sa Facebook |
Sa Facebook page na “Isko Moreno Domagoso Fan Pages,” mapapanood ang isang video na kung saan mababasa ang ganitong caption: “YORME BINASTOS AT SINIGAWAN.”
Sa unang bahagi ng video, makikitang may mga taong nagsisigawan sa may bubong ng isang building. May binabanggit ang lalaki patungkol sa pagbaba raw ng demolition order mula sa Office of the Building Official. Pinababa nila ang lalaking nagsasalita gamit ang megaphone.
Pagkababa ng lalaki, sinabi ni ‘Yorme’ Isko Moreno, “Kulit mo e. sinisigawan mo ako sa taas, para kang tolonges e.”
“Para po marinig niyo,” sagot naman ng lalaki.
Dagdag pa ni Yorme, puwede naman daw siyang bumaba, at tila binabastos pa raw sila ng lalaki. Ginagawa nga raw nila ang lahat para sa kanila.
“Kabastusan ‘yon e. Gusto niyong magbida-bida,” ani pa ni Yorme. Ilang beses na rin daw niyang nakausap ang lalaki at mabuti na lamang at mahaba ang kaniyang pasensiya. Matapos maipaliwang ni Yorme ang lahat, humingi ng tawad ang lalaki at tinanggap naman ito ni Yorme.
“Tinatanggap ko pasensiya mo, bati na tayo. Pero huwag niyo kaming gaganunin,” pahayag ni Yorme.
Dumudulog lamang daw ang lalaki; ngunit paliwanag ni Yorme, ang pagdudulog ay ang pakikipag-usap sa kaniya ng malapitan. Hindi raw pagdudulog iyong ginawa ng lalaki na tila ipinapakita sa buong mundo na siya ay matapang, na “kayang ipagtanggol ang karapatan ng mahihirap.”
Ani pa ni Yorme, dapat daw nilang pahalagahan ang mga tao ng gobyerno na marunong lumingon sa mga kagaya nila.
Napag-alamang ang lalaki ay isang kagawad at miyembro umano ng grupong Gabriela.
Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.
“Pilit kayong inaayos ni yorme tpos babastusin mo pa si yorme.. buti nga kyo npakabait at mtulungin ang mayor nyo.. ndi lhat ng mayor kgya ni mayor isko.. swerte kyo”
“Professional squatters. Gusto nila libre lahat tapos puro reklamo..”
“Magpasalamat nalang sana kayo at may Ama kayo ng lungsod tulad ni Mayor Isko. Cooperate with the good government of Manila. Mabuhay po kayo Yorme!”
Source: Furry Category
No comments