7 taong gulang na bata matiyagang inaalagaan ang paralisadong ama matapos silang iwanan ng kanyang ina
Larawan ay mula sa thedailysentry |
Isang batang Grade 1 student ang mag-isang nag-aalaga sa kanyang paralisadong ama matapos silang iwanan ng kanyang ina.
Sa isang baryo ng Wangpu sa Guizhou province, southwest of China, nakatira sina Ou Yanglin, 7, at ang kanyang ama.
Dahil mag-isang inaalagaan ni Yanglin ang kanyang ama, kinakailangan niyang gumising ng upangalas 6 ng umaga upang makapaghanda.
Sa halos isang taon na itong ginagawa ni Yanglin, natutunan na niya ang mga gawaing bahay at pati na ang mamalengke kahit sa murang edad pa lamang.
Ang Grade 1 student na si Yanglin ay napakatiyaga dahil papakainin niya muna ang kanyang ama bago ito pumasok sa eskwelahan.
Larawan ay mula sa thedailysentry
Si Ou Tongming, 37, na ama ni Yanglin ay paralisado simula pa noong Hunyo 2013, dahil sa pagkakalaglag nito simula second floor ng isang bahay na under construction.
Nagkaroon ng injury sa kanyang likod si Tongming kaya paralisado siya simula beywang pababa.
Ang asawa naman ni Tongming na ina ni Yanglin ay iniwan sila noong maubos na ang kanilang naipong pera at isinama niya ang babae nilang anak.
Simula noong ay mag-isa ng inalagaan ni Yanglin ang kanyang ama. Pagkatapos ng eskwela ay naghahanap ito sa bangketa ng mga bagay na pwedeng niyang ibenta.
“May father needs medicine, but I don’t have any money,” saad ni Yanglin.
Pag-uwi ni Yanglin ay siya narin ang mismong naglalagay ng gamot sa likod ng kanyang ama. Nagkaroon na ng bedsores si Tongming na nauwi na sa pagiging ‘ulcerated’ dahil sa palagi lamang itong nakahiga. Ang infection ay umabot na raw sa kanyang pelvis.
Bilang ama, nakakadurog sa puso ang makitang nahihirapan ang anak dahil sa kanya dahil alam raw ni Tongming kung gaano kahirap ang dinadanas ng kanyang anak. Naisipan na raw niyang kitilin ang kanyang buhay ngunit hindi niya ginawa dahil ayaw niyang maiwang mag-isa ang kanyang anak.
Samantala, gusto ni Yanglin na siya ay lumaki na kaagad upang makapag-ipon siya ng pera upang maipagamot ang kanyang ama.
“I can’t live without my father,” sabi ni Yanglin.
Napaka-swerte ng mga batang ipinanganak na mayroong mapagmahal na mga magulang. Ngunit mas maswerte ang mga magulang na nagkaroon ng maalagain, mapagmahal at marespetong mga anak.
Dahil sa nakakaantig istorya ni Yanglin, marami ang natuwa at mayroong ding mga gumawa ng charity fund upang tulungan ang pitong taong gulang na bata at ang kanyang paralisadong ama.
Source: thedailysentry
Source: Furry Category
No comments