Header Ads

Isang Australian Doctor Youtuber ang galit na galit sa kanyang vlog na may tittle na "Goodbye YouTube"

Larawan ay mula sa Youtube Video


Ibinabahagi ng isang doctor/vlogger na si Doc Adam sa kanyang YouTube channel ang kanyang mga vlogs patungkol sa mga health tips at education. Pinakamisyon nga raw niya ay ang gawing mas healthy ang Pilipinas.

Ngunit, sa kanyang vlog na may pamagat na “Goodbye YouTube.” na in-upload noong October 14, inihayag niya rito ang kanyang saloobin patungkol sa kanyang nararanasan ngayon.


Larawan ay mula sa Youtube Video

Sinabi niyang nagbibigay siya ng health tips online at tinatama ang mga maling payo. Marami raw kasing maling impormasyon patungkol sa kalusugan ang nagkalat online, lalong-lalo na sa Pilipinas. Ang ilan nga raw dito ay sobrang delikado para sa mga tao.

“Kasi nga alam ko na hindi gaano kaganda ang health education diyan sa Philippines. Alam ko ‘yan. nakapunta ako sa Philippines ng ilang beses. I’ve done charity work there… Alam ko, ang daming tao ang kailangan ng tulong,” dagdag pa ni Doc Adam. Dahil daw rito kaya niya ginawa ang kanyang YouTube channel.


Larawan ay mula sa Youtube Video

Nito lamang isang linggo, isang umanong lawyer ang pumunta sa kanyang opisina sa Australia. Binigay raw nito ang isang sulat na nagsasabing kinakasuhan siya ni Doc Farrah Bunch.

Ani ng doktor, “It says here… she wants damages exceeding $100,000. They’re threatening to report me to the medical board, the Australian Medical Board. Para tanggalin ang medical license ko. Para hindi ako makakapag-trabaho. ‘Yan ang gusto nila!”

Halos sampung taon daw siyang nag-aral. Pumunta nga raw ang nasabing lawyer sa kanyang opisina upang ibigay ang sulat, para ipahiya siya sa harap ng kanyang pasyente at manager.

Hindi naman daw ito ang unang beses na nangyari sa kanya, dahil sa loob umano ng dalawang buwan, nakatanggap siya ng apat na “lawyer’s letters.” Nakatanggap din daw siya ng mga death threats. May mga mensahe rin daw siyang nakukuha na nagsasabing banned na siya sa Pilipinas.

“Hindi lang ‘yon! Kundi, Leo Ortiz, the CEO ng GlutaLipo, continues to defame me kung saan-saan. Gumawa ako ng apat na videos tungkol sa kanya. Dahil sa behavior niya. Ang daming ginagawa niya na mali. Now it looks like, the CEO Leo Ortiz, has teamed up with Doctor Farrah. Gumawa sila ng sarili nilang grupo. Hindi lang ‘yon. The sister in law ni Dr. Farrah na si Tara Bunch, nagpo-promote siya ng GlutaLipo! Ano? Isang grupo ng tao na ayaw sa akin. Bakit ayaw nila sa akin?”

Ang lahat nga raw ng mga sinasabi niya sa kanyang YouTube channel ay pawang katotohanan. Ginagamit daw niya ang kanyang mga karanasan sa loob ng 18-20 taon upang bigyang kaalaman ang mga Pilipino sa mga “dangerous health trends online,” at para hindi sila maloko o makagawa ng maling desisyon. Hinamon niya sina Ortiz, Farrah at Tara na patunayan nilang mali si Doc Adam.

“Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Tuwing pinapakita ko ang totoo sa tao, I get threatened with legal action. I get threats, and people attack my business… my page is to educate people. To give people the correct information. That’s what my page is about.”

Ang gusto lamang daw niya ay ang tumulong. Kung sakali namang tumigil siya dito, binibigo raw niya ang mga tao. Lalaban daw siya dahil alam niyang tama ang ginagawa niya. Ipaglalaban daw niya ang tamang impormasyon dahil marapat lang na makatanggap ng katotohanan ang mga Pilipino.



Source: Doc Adam - Youtube Channel

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.