Isang palaboy sa kalsada pinaliguan, ginupitan, binihisan at kinupkop ng mga sakristan
![]() |
| Source: Province of Davao de Oro |
Sa unang tingin mahahabag ka talaga sa kalagayan ng mga palaboy. Bukod sa walang nag-aalaga sa kanila, ang pagkain nila ay nakasalalay lamang sa mga magmamagandang loob na mapapadaan at magbibigay sa kanila ng tulong.
Source: Province of Davao de Oro
Source: Province of Davao de Oro
Source: Province of Davao de Oro
Sa kasulukuyang sitwasyon na ating kinakaharap ngayon, lalo silang mas nahihirapang makipagsabayan sa buhay. Kung ikaw ba ay makakakita ng tulad nila sa daan maglalakas-loob ka bang tulungan at mag-aruga sa kanila?
Dahil yan ang ginawa ng mga sakristan ng San Roque Parish sa Mawab, Davao de Oro sa isang palaboy na nag ngangalang Totong. Pinatuloy nila si Totong sa kanilang kumbento, pinaliguan, ginupitan at pinakain rin nila siya.
Source: Province of Davao de Oro
Ayon kay Teotristian Gomez Batutay na isa sa mga sakristan, “Gitabangan namo siya kay naluoy mi ug arun makita namo siya [nga] hinlo. [Tinulungan namin siya dahil naawa kami at para narin makita namin siyang malinis].”
Sa mga larawan na ipinost ng Province of Davao de Oro sa facebook, mapapansin agad ang mahabang buhok ni Totong pati narin ang kanyang balbas. Wala rin itong damit pang itaas at sobra dungis ng kanyang buong katawan. Dahil narin siguro hindi siya nakaliligo at walang nag-aaruga sa kanya. Umaasa lamang daw siya sa mga may mabuting loob na nagbibigay ng pagkain kapag siya ay nakikita sa daan.
Source: Province of Davao de Oro
Source: Province of Davao de Oro
Source: Province of Davao de Oro
Ayon sa isang netizen na nagbigay ng kumento na si Evelyn Golo Buntrosto, sakristan din daw dati si Totong at kanyang kapatid. Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Totong sa kanila.
Kuwento rin ni Christabel Orfane, kaya daw pala nakikita nila si Totong na nagsisimba pa rin tuwing Linggo dahil isa pala itong dating sakristan.

Source: Province of Davao de Oro
Source: Province of Davao de Oro
Nakatanggap naman ng maraming pagpupuri mula sa mga netizens at sa Province of Davao de Oro ang mga may mabuting loob na sakristan.
“Good job boys. Pinakita ninyo ang katangian ng totoong Kristiyano — matulungin, mahabagin at may malasakit sa kapwa lalo na sa mga mahihirap, nangangailangan at ‘yong mga kinalimutan na ng lipunan.”
Kasalukuyang ng nasa pangangalaga ngayon ng San Roque Parish si Totong kasama ang iba pang sakristan.
Source: Province of Davao de Oro
Source: Furry Category










No comments