Lalaki nag-aalok ng pabahay sa Montalban at sinabi niyang kailangan munang magbayad ng P 200 para lang sa membership fee
Larawan: Screenshot mula sa video |
Isang lalaki ang nag-aalok ng pabahay sa Montalban at sinabi niyang kailangan munang magbayad ng P 200 para lang sa membership fee.
Sa Facebook page na “Balitang SJDM,” mababasa ang ganitong caption sa ini-upload na video, “WATCH: Naalok ka na rin ba ng pabahay daw sa Montalban basta magbayad ng membership fee na P200? | Video: Ricy Icayan.”
Ayon sa lalaking nag-aalok, 300 square meter ang tinutukoy niyang pabahay. Ito raw ay isang private property at siya lang daw ang nakakaalam kung sino ang may-ari ng lupa. Para naman sa kumukuha ng video, dapat din daw nilang malaman kung sino ang may-ari.
“Pang-buong Pilipinas” daw ang ibibigay na pabahay ng kanyang “Madam Lopez” sa Montalban. Nag-open account daw sila sa bangko sa halagang dalawang libong piso (P2,000) “para magkapera.” Magbibigay raw ang kanilang “Madam Lopez” ng pera “para sa mahihirap.” Pero marami raw mahihirap ang tumatanggi sa kanyang alok.
Nang tanungin naman kung bakit kailangan pa ng P200 na membership fee para maka-avail ng bahay, sinabi niyang “para makilala ang pangalan mo.” May dala pang membership form ang lalaking nag-aalok at nakasulat dito ang “AMIGO, PILIPINAS ORGANISACIONES INC.” Kinuwestiyon naman ng kumukuha ng video kung bakit ang nakalagay sa form ay “Area Paradise 3, City of San Jose del Monte, Bulacan.” Ito raw ay sa kadahilanang gagawa sila dito ng opisina. Makikita rin sa video na marami ng forms ang na-fill up-an.
Nagpakilala ang nag-aalok bilang si “Urbano,” at hindi niya binanggit ang buo niyang pangalan.
Ayon sa mga nagkomentong netizens, isa lamang daw itong uri ng scam. Ang ilan nama’y nagsabi na nanghihingi lamang ng pera ang taong nag-aalok.
Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 1,100 reactions at 526 comments ang naturang post.
Source: Furry Category
No comments