Lalaking gumulpi sa isang pipi at bingi inaksyonan ni Idol Raffy Tulfo
![]() |
| Larawan ay mula sa Facebook |
Nitong nakaraang linggo lang ay nag viral ang video na pinost ni Mary Jane Rubio sa kanyang Facebook account. Ang video na iyon ay nakapabilis kumalat at nag trending nga ito.
Sa in-upload Makikita sa video na biglang lumapit si Jerry sa lalaking naka-asul na tila may bibilhin, bungad ni Jerry sa lalaking naka asul ay "nasan yong pera" ngunit ng walang maisagot ang lalaking naka-asul bigla na lamang niya itong binatukan ng napakalakas sa ulo pakatapos ay pinagsusuntok hanggang sa matumba ito.
Hindi pa nakuntinto si Jerry at tinadyakan pa niya ito sa ulo na tila yon na ang dahilan ng pagkawala ng malay ng kaawa awang PWD(lalaking nakaasul).
Dahil nagviral nga itong pananakit sa isang pipi´t bingi, nakuha ang atensyon ni Idol Raffy Tulfo at agad naman nila itong inaksyonan upang makamit ng biktima ang hustisya.
![]() |
| Larawan ay mula sa Raffy Tulfo in Action - Youtube Video |
Nais ni Idol Raffy na mabigyan ng sapat na kaparusahan si Jerry kaya naman lalong hinikayat ni Idol ang pamilya ng Biktima na ituloy ang kaso at huwag magpa-areglo.
Kinausap ni Jerry Leal ang pamilya ng biktima upang humingi ng tawad at huwag ng ituloy ang kaso ngunit buo na ang desisyon ng pamilya ng biktima na ituloy ang kaso para makulong itong si Jerry Leal.
Sa pagtatapos ng kanilang pag uusap hiniling ni Mary Jane na sana ay mapa-CT Scan ang ulo ng biktima. Hindi naman nagdalawang isip si Idol Raffy na ipa-CT Scan si Philip, halip ay sasagotin din ni Idol ang lahat ng kanilang medical expenses at kung kinakailangan ay tutulong din daw si Idol Raffy financially.
Mabuhay ka Idol Raffy Tulfo and God bless!
Source: Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel
Source: Furry Category


No comments