Xyriel Manabat, ipinagtanggol sa mga netizen na marurumi ang utak
![]() |
| Mga larawan ay mula sa xyrielmanabat - Instagram |
Nakilala si Xyriel sa kanyang title role sa "Momay" ng ABS-CBN noong 2010 at bilang si Anna Manalastas naman noong 2011 sikat na seryeng "100 Days to Heaven."
Sinimulan ni Xyriel ang kanyang karera sa showbiz matapos na sumali sa Star Circle Quest noong 2009.
Kamakailan-lamang ay napanood siya sa seryeng "Wildflower" ng ABS-CBN bilang batang Lily / Ivy Aguas.
Ngayon siya ay nagdalaga na, nagulat ang mga tagahanga ng dating child star na si Xyriel Manabat sa kanyang mga kaibig-ibig na mga larawan.
Hindi natuwa ang mga ilang netizens sa mga nambabastos at nagkokomento ng malaswa sa dating child star na si Xyriel Manabat.
Nag-post kasi ang 16-year old na ngayong si Xyriel sa Instagram ng litrato niya para ibahagi sa madlang pipol ang kanyang OOTD (Outfit Of The Day).
Naka-post din ito sa Facebook kaya mas marami pa ang nakakita sa OOTD ng dating Kapamilya child star.
Maraming natuwa nang makita nila si Xyriel na dalagang-dalaga na ngayon. May nagsabi pang sana’y bumalik na siya sa showbiz dahil magaling naman siyang artista.
Ngunit may mga nag-comment ng malalaswa sa litrato ni Xyriel na ikinagalit ng mga followers ng dalagita. Talagang tinalakan nila ang mga bastos na netizens.
Narito naman ang mga ilan sa komento ng mga netizen na nagtanggol sa child star.
“Daming lantaran sa comment ahh.. Tas sinisisi niyo pa panunuot ng mga babae kaya nababastos, eh diyan palang maayos na damit nababastos paden. Kapag manyak kayo manyak na talaga kayo wag niyo isisisi sa way ng pananamit ng babae."
“Why are you making fun of her? is it because of her outfit? dahil ba yung dibdib nya? I see nothing wrong with her outfit. ang papangit kase ng mindset nyo. please be matured enough."
“It’s in her genes kaya ganyan at wala siyang magagawa dyan mga tanga kayo! Sige Kayo pambabastos Di nyo ba Alam maidudulot nyan sa kanya hahahahaha mga t*** kayo bastos MANYAK!! SANA MAY KAPATID KAYONG BABAE NA GANYAN AT GANYAN DIN KUNG BASTUSIN PARA MALAMAN NYO SAKIT INUTIL!”
“Grabe mga commentors dito. Napakadumi ng mga utak nyo. Punta kayo ng Manila Bay para masama kayong maibaon sa white sand hayyy.”
Sa ngayon ay naghahanda na si Xyriel para sa kolehiyo.
Source: xyrielmanabat - Instagram
Source: Furry Category

No comments