Sanya Lopez, totoo kayang nahuhulog na ang loob kay kuya Wil
![]() |
Larawan ay mula sa Google |
Bumisita si Sanya Lopez sa GMA afternoon show na “Wowowin” ni Willie Revillame noong Hulyo 01, 2020 at ikinatuwa ng mga manonood ang episode na ito.
Nagkakatuwaan sa pag-uusap ang host at ang “Encantadia” lead star nang biglang sinabi ni Revillame ang pangalan ng manliligaw ni Lopez.
“Ang nanligaw sa kanya ay si Michael Pangilinan,” ani ng host.
Ngunit sabi naman ni Lopez, “Ay hindi po.”
“Sinungaling ka,” pabiro namang sabi ng host habang tumugtog sa background nila ang awiting “Bakit Ba Ikaw?” na siyang inawit naman ni Pangilinan.
Matapos nito’y tinanong ni Revillame kung ano pa ang ibang pangarap ni Lopez. Sagot niya, “Pangarap ko sa buhay ko? Ikaw lang.”
Tugon naman ng host, “Sanya, parang di mo alam 59 na ako. Sa January, 60 na ako. Ilang taon ka na?”
Ani naman ni Sanya, siya 23 years old na.
Sumingit naman ang co-host ni Revillame na si Donita Nose at sinabing, “Hindi. Kahit naman anong mangyari sa atin, ang importante naman ay yung pagmamahal.”
Matapos nito’y tinanong ni Revillame si Lopez kung handa raw ba itong umibig sa isang lalaking parang “lolo” niya na.
Tugon ng aktres, “E, pagdating naman sa pagmamahal kasi gusto mo siyang tulungan. Pangalawa, kaya ka nagmamahal kasi gusto mo siyang tulungan. Tulad mo, ayaw mo nun, pagdating ng panahon, ako naman ang tutulak sa wheelchair mo?”
Habang tumatawa, sumagot ang host, “So, mag-aalaga ka ng wheelchair ko?”
“Ako ang tagatulak sa’yo! Tapos ‘pag kakain ka, bago ka kumain, ime-maintenance ka.”
“Napaka-sweet niya, ‘no? So, handa ka?”
“Oo, kasi ‘yong isang room dito sa Wil Tower nakapangalan na sa akin,” pagbibiro ni Lopez na siya namang nagpatawa sa lahat.
Source: Furry Category
No comments