Header Ads

Tindera ng Palamig sa kalsada, nakuhanan ng video kung papano niya hinahanda ang kanyang paninda

 

Larawan: Screenshot mula sa Facebook post ni Sucayre Marco Francis

Kaliwa't kanan na ang mga vendors ngayon sa kahit saang lansangan ang nagtitinda ng mga ibat-ibang klaseng inumin sa napakamurang halaga lang, masarap at pamatid uhaw sa mainit at nakakauhaw na panahon.


Subalit, sa napakamurang halaga nito, minsan ay mapapa isip tayo kung papaano nga ba ito inihanda ni ate at kuyang tindero. Ligtas kaya sa ating mga kalusugan ang mga sangkap na ginamit dito?


Makikita naman na nakalantad lang ito sa tabi ng kalsada, at di maiiwasang maalikabukan ito o dapuan ito ng mga langaw at iba pang mga insekto.


Dahil na din sa maliit lamang na puhunan ng mga nagtitinda nito, nariyan na naghahanap sila ng mga sangkap na mas makakamura sila upang malaki ang kanilang tubuin mula sa pagtitinda nito. 

Ngunit papano kung malaman mo na ang bloke ng yelo na ginamit sa paborito mong inumin ay nakalapag lamang sa semento sa tabing kalsada habang binibiyak.

Larawan: Screenshot mula sa Facebook post ni Sucayre Marco Francis

Larawan: Screenshot mula sa Facebook post ni Sucayre Marco Francis

Larawan: Screenshot mula sa Facebook post ni Sucayre Marco Francis

Sa isang video na in-upload ng isang concerned citizen na si Sucayre Marco Francis sa Facebook page na "Manila Public Information Office", mapapanood sa video ang isang tindera ng samalamig na nagtitiktik o nagbibiyak ng mga bloke ng yelo na nakalapag lamang sa semento sa tabing kalsada.

Labis na nakakabahala ang paraan ni ateng tindera sa pagtitimpla nya ng kanyang mga samalamig. Bagaman makikita sa video na kanyang binabanlawan ito ng tubig na nakalagay sa isang tabo, hindi pa rin ito sapat upang malinisan at matanggal ang mga dumi na nakadikit sa yelo lalo pa at nakalapag lamang ito sa semento.

Kayo na lamang po ang humusga sa paraan ng tinderang ito, hindi natin nais na siraan ang mga kababayan na naghahanap buhay sa ganitong paraan. Ang nais lamang iparating ng ating netizen ay pinag iingat ang ating mga kababayan sa mga posibleng maging bunga nito sa ating mga kalusugan.

Narito ang post ni Sucayre Saad sa socail media na may caption na:


""Napawi nga ang ating uhaw, pero ang tanong ligtas nga ba ang ating iniinom? Pasintabi po sa mga kumakain."


Source: Sucayre Marco Francis - Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.