|
Source: Narciso Joestar |
Dahil sa pandemiya dulot ng COVID 19 ,marami pa rin ang mga bagay na kailangan limitahan. Pinapaalala pa rin ang mga dapat gawin tulad ng social distancing upang makaiwas mahawa sa nasabing sakit. Kaya naman karamihan ng mga pampublikong sasakyang ay hindi pa rin pinapahintulutan bumiyahe.
Sa kadahilanan ito karamihan sa mga kababayan natin ang gumagamit ng bisekleta upang makarating sa kani-kanilang mga trabaho. Sa kabila ng pandemiyang ito kailangan pa ring magtrabaho upang matustusan ang mga pamilya.
Tulad na lamang ng isang Lalake na sakay ng kanyang bisekliea na papasok sa kanyang trabaho, sa kasamaang palad nahagip umano ng itim na toyota fortuner sa bandang C3 road D. Aquino Street.
Nasaksihan umano ni Narciso Joestar ang nangyari kay manong. Kita sa lumang bisekleta ni manong ang yupi ng gulong sa pagkakabangga. Nakita niyang binigyan lamang siya ng driver ng 600pesos at tinà kot pa si manong na kung hindi tatanggapin ang pera ay tatawag siya ng Pulis.
Nakuhanan namang ng larawan ang sasakyan na bumangga at kuha dito ang plate number ng sasakyan.
Ito ang buong post ni Narciso Joestar:
"Guys paki share nmn kanina pauwi ako galing sa work nakita ko si manong nahagip ng itim na toyota fortuner dito lang sa C3 road D. Aquino St. Binigyan lang sya ng driver na 600 pesos tinakot pa sya na kapag hindi daw nya tatanggapin yung pera tatawag daw sya ng pulis!!, papasok palang daw si manong sa work kawawa naman magpapasko pa naman".
Kumalat sa social media at umani ng madaming kumento at shares ang post. Marami ang naawa kay manong, papasok pa lamang siya sa trabaho ngunit ito ang nangyari sakanya kaya hindi niya magamit ang kanyang bisekleta.
Sana ang nasabing nakabangga na sasakyan ay maging responsable at tinulungan si manong at hindi na ito tinakot o binastos pa.
Source: Narciso Joestar
Source: Furry Category
No comments