Header Ads

Matapang na lalaki sinagip ang babaeng dalawang taong gulang mula sa pagkakahulog sa bintana ng ikalawang palapag ng gusali

Larawan: Screenshot mula sa video uploaded ng Positibo(Facebook Page)

Mapapanood sa Facebook page na “Positibo” ang isang video kung saan sinagip ng isang lalaki ang dalawang taong gulang na batang babae mula sa pagkakahulog sa bintana.

Makikita sa video ang pagiging abala ng ibang tao samantalang matamang nakatingin sa bandang itaas ang lalaking nakakulay dilaw. Tila siya lamang ang nakapansin sa kung anong nagaganap sa itaas.

Larawan: Screenshot mula sa video uploaded ng Positibo(Facebook Page)


May isang bata na naglalaro malapit sa may bintana ng ikalawang palapag ng gusali at wala umanong nagbabantay sa kanya. Makikitang nakakapit sa may hawakan ang bata at sinusubukan niyang umakyat pataas. Ilang sandali pa’y naganap na nga ang kinatatakutan ng lahat: nahulog ang bata mula sa may bintana ng gusali.

Larawan: Screenshot mula sa video uploaded ng Positibo(Facebook Page)


Larawan: Screenshot mula sa video uploaded ng Positibo(Facebook Page)





Mabuti na lamang dahil talagang nakabantay ang lalaki na nasa ibaba at nasalo nga niya ang bata mula sa pagkakahulog. Saka lamang sila napansin ng ibang mga tao sa kalsada ng tuluyan nang masagip ng lalaki ang batang babae. Agad namang dinala ang bata sa kanyang mga magulang.

Ayon sa ama ng bata, naghahanda raw siya ng tanghalian at wala siyang kaalam-alam sa pangyayari. Nang makita nga raw niya ang lalaki na kumatok sa kanilang tahanan habang buhat ang kanyang anak, hindi raw siya makapaniwala sa nangyari.

Larawan: Screenshot mula sa video uploaded ng Positibo(Facebook Page)


Larawan: Screenshot mula sa video uploaded ng Positibo(Facebook Page)

Gayunpaman, lubos ang pasasalamat ng mga magulang sa lalaki dahil sa pagsagip nito sa kanilang anak. Bilang pasasalamat, binigyan nila ang lalaki ng pabuya at humiling sila na bisitahin sila ng madalas.


Source: Positibo - Facebook




Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.