Header Ads

OFW, sinorpresa ang Ina ng malaking bouquet ng pera

Larawan ay mula sa  Gifts4everyJUAN - Facebook Page


Viral ngayon sa social media ang kuwento ng isang OFW na nais sorpresahin ang ina sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang malaking bouquet ng pera.

Sa isang post ng Facebook page na “Gift4everyJuan” nito lamang Setyembre, makikita ang larawan ng dalawanng babaeng may dalang isang malaking bouquet na naglalaman ng maraming P1,000-bill at mga tsokolate.

Larawan ay mula sa  Gifts4everyJUAN - Facebook Page

Larawan ay mula sa  Gifts4everyJUAN - Facebook Page

Larawan ay mula sa  Gifts4everyJUAN - Facebook Page

Ayon pa rin sa post, isang OFW daw ang hindi nagpakilalang kliyente nilang ito. Nag-ipon daw siya ng pera sa loob ng isang taon upang makapaghanda para sa malaking regalong nais niyang ibigay sa kaniyang ina. Iniulat ding ang nasabing bouquet ay naglalaman ng P400,000 cash.

Larawan ay mula sa  Gifts4everyJUAN - Facebook Page

Larawan ay mula sa  Gifts4everyJUAN - Facebook Page

Marami namang mga netizens ang natuwa sa sorpresang ito ng nasabing kliyente. May ilang hindi napigilang mapa-“sana all” at humiling na sana ay makatanggap din sila ng ganoong uri ng bouquet, mula sa kanilang kapamilya o mula sa isang espesyal na tao sa buhay nila.

Narito naman ang ilang komento mula sa mga netizens patungkol pa rin sa nasabing post:

“Sure na happy ang mommy mo po, mabuhay po kayo! Deserve po niya yan!”

“Ang sweet naman, talagang pinag-ipunan ng anak para lang mapasaya ang kanyang nanay.”

“Sana all may ganyang anak kasi sa panahon ngayon iilan nalng ang mga anak na magawa ng ganyan.”

“Na-imagine ko itsura ng mommy niya pag nakita ito, ang swerte lang niya.”



Source: Gifts4everyJUAN - Facebook Page


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.