Tatay, kahanga-hanga ng samahan ang kanyang anak na PWD sa pagkuha ng board exams for teachers
![]() |
Larawan ay mula sa post ni Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook |
Iba’t ibang uri ng kuwento ang maririnig o mapapanood sa tuwing may nagaganap na mga board examinations. Halimbawa, may mga taong ilang beses nang sumusubok, may iba namang nanggaling pa sa malalayong lugar, at mayroon ding mga taong nagbibigay ng suporta sa lahat ng kukuha ng pagsusulit.
Pinuri naman ng isang netizen ang isang ama na matiyagang naghihintay sa kanyang anak na nag-take ng Licensure Examination for Teachers (LET) exam. Naantig ang damdamin ng mga tao matapos i-post ni Sheila Mae Glor ang kuwento ng nasabing tatay.
Isa si Glor sa mga kumuha ng LET at napansin niya ang isang matandang lalaki na naghihintay sa labas ng gusaling pinaggaganapan ng pagsusulit. Dagdag pa niya, naroon na raw ang nasabing lalaki bandang alas-sais y media pa lang ng umaga.
Masiyahin daw at nginingitian ng matanda ang bawat taong dumadaan malapit sa kanya. Pakiramdam ni Glor na “very supportive” ang matanda sa kung sino man ang kasama niya. Natapos ang pagsusulit sa oras na 5:30 ng hapon; nang lumabas si Glor ay naroon pa rin ang matanda na nagsimulang kausapin siya.
Ayon sa matanda, kumuha rin daw ng pagsusulit ang kanyang anak na lalaki. Makikita nga raw kung gaano ka-proud ang ama sa kanyang anak. Dito na nga raw binanggit ng matanda kay Glor na simula pa lamang noong unang taon sa pag-aaral ng kanyang anak ay hatid-sundo na niya ito. Naantig ang puso ni Glor nang makitang tulak-tulak ng matanda ang wheelchair ng kanyang anak.
Napagtanto ni Glor kung gaano kalaki ang kayang isakripisyo ng isang magulang para sa kanyang anak. Ayon pa sa kanya, isasama raw niya sa kanyang panalangin ang matanda na magkaroon pa sana ng mahabang buhay at magandang kalusugan. Umaasa rin daw siya na makapapasa ang kanyang anak sa LET.
Basahin ang buong post ni Sheila Mae Estrañero Glor:
Samantala, sa comment section ay sinabi ni Glor na pumasa sa LET ang anak ni tatay.
Source: Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook
Source: Furry Category
No comments