Ang Nakakaantig na kwento ng Batang Kargador sa Umaga Kargador sa Gabi
![]() |
Source: TechRam |
Sa vlog ng YouTube content creator na si TechRam, ibinahagi niya ang kuwento kung paano niya nakilala ang batang kargador na si Dave na nakilala niya noong January 20, 2020, matapos nilang mamili ng mga gulay sa Divisoria para ibigay sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal.


Source: TechRam
Makalipas nga ng isang taon, muling ibinahagi ng vlogger ang kuwento ng kanilang pagtatagpo. Kuwento ni Dave, nag-away raw ang ina at step-father niya at saka siya pinalayas; bata pa lamang daw siya ay hindi na niya nakita ang kanyang tunay na ama. Dahil dito napunta siya sa Baseco at inampon daw siya ng isang “Kuya Martin.”

Source: TechRam
Ang mga kinikita umano ng bata ay ipinambibili niya ng kanyang pagkain, damit at tsinelas. Nang tanungin ng vlogger kung ano nga ba ang hiling ni Dave, sinabi ng huli na magbati na sana ang kanyang mga magulang at kunin na rin nila ang kanyang siyam at sampung taong gulang na mga kapatid.

Source: TechRam
Pinuntahan din ng vlogger ang lugar na pinagtitirahan ng bata at nakausap niya rito ang taong umampon sa kanya. Humingi siya ng pahintulot kay Kuya Martin na sa kanila muna titira si Dave habang hinahanap pa nila ang tunay niyang pamilya.

Source: TechRam
Naiyak pa si Dave nang kinukumbinsi siya ng vlogger na sumama dahil tila ayaw niyang maihiwalay sa taong kumupkop sa kanya.

Source: TechRam
Ilang sandali pa’y naiyak na rin ang vlogger dahil sa awa niya sa bata. Hinayaan niya rin muna si Dave na makapag-isip ng maayos upang makapagdesisyon.

Source: TechRam
Sa huling bahagi ng vlog, makikita ang isang Dave na tumaba na at mas maaliwalas ang mukha.

Source: TechRam
Makikita rin sa kanyang likuran na tila nasa maayos na siyang pamamahay.

Source: TechRam
Nagpasalamat ang batang kargador sa mga taong nagmamahal at magmamahal pa sa kanya. Makakaasa raw ang mga ito na mas pagbubutihin niya pa ang kanyang pag-aaral.
Source: TechRam
Source: Furry Category
No comments