Header Ads

Buko vendor, binigyang papuri matapos inapula ang nasusunog na traysikel gamit ang kaniyang panindang buko juice

Source: GMA News

Itinuring na bayani ang isang buko juice vendor matapos niyang tulungan ang isang drayber na maisalba ang tricycle nito.

Source: GMA News

Pinuri ng mga netizen ang 54 na taong gulang na tindero ng buko na si Larry Lasac matapos siyang makuhanan ng video na nag-aapula ng apoy sa isang tricycle gamit ang buko juice.

Source: GMA News

Ayon kay Lasac, nagtitinda siya ng buko juice sa roadside ng Manila East Road nang huminto malapit sa kanya ang isang nag-aalab na tricycle. Walang pag-aatubiling ibinuhos ng buko vendor ang buong container ng kanyang buko juice para lamang maapula ang apoy.

Source: GMA News

Sa artikulo ng Manila Bulletin, sinabi ni Lasac, “Nakita kong nahihirapan ang tricylcle driver na patayin ang apoy kaya naman naisipan kong ibuhos sa nag-aapoy na tricycle ang paninda kong buko juice.”

Source: GMA News

Aminado ang buko vendor na kikita sana siya ng P500 sa paglalako ng buko juice, ngunit hindi pa rin siya nagdalawang-isip na itapon ito para lamang matulungan ang taong nangangailangan. Nang mapagtantong hindi kayang apulahin ng buko juice ang apoy sa sasakyan, ginamit niya pa ang isang container ng mineral water para mawala ito.

Source: GMA News

“Sa tingin ko po, gagawin din naman ‘yon ng ibang tao kung sila man ang makaka-engkuwentro ng gano’ng sitwasyon,” ani Lasac.

Bago ang pandemya, kumikita siya ng halos P800 – P1,000 sa isang araw sa pagtitinda ng French fries malapit sa isang paaralan. Ngunit simula nang mag-lockdown, nagbebenta na siya ng buko juice.

Dahil sa ginawang kabutihan, pinarangalan ni Binangonan Mayor Cesar Ynares ang buko vendor at ginawaran siya ng certificate of recognition. Nangako rin ang mayor na tutulungan niya itong makahanap ng trabaho.



Source: GMA News


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.