Ganito pala ang nakakalulang yaman ng Boyfriend ni Sofia Andres na si Daniel Miranda!
![]() |
| Source: PH Entertainment/Youtube |
Mula nang ipakilala ng aktres na si Sofia Andres ang kaniyang anak na si Zoe Natalia, napakaraming mga netizens ang nagsimula ring umusisa kung sino si Daniel Miranda – ang lalaking bumihag sa puso ni Sofia at ang ama ni Zoe.

Source: PH Entertainment/Youtube
Nakilala si Daniel bilang isang international car racer. Bata pa lamang daw ay nagpakita na siya ng interes sa car racing. Sumasali na siya sa mga patimpalak sa iba’t ibang bansa at lagi raw nakasuporta sa kaniya si Sofia.

Source: PH Entertainment/Youtube
Maliban dito, nagmula sa isang kilalang pamilya sa Cebu City si Daniel. Siya ay apo nina Edna Diago Lhuillier at Philippe Lhuiller – ang pamilyang nagmamay-ari ng “Cebuana Lhuillier,” ang pinakakilala at pinakamalaking pawnshop sa Pilipinas.

Source: PH Entertainment/Youtube
Dagdag pa rito, ang kaniyang Lolo Philippe ay isang diplomat, businessman at philanthropist; minsan din itong nagsilbi bilang ambassador ng Pilipinas sa Spain at sa Italy. 

Source: PH Entertainment/Youtube
At katulad ni Daniel, isa ring “drag racer” ang kaniyang amang si Martin Miranda. Maliban dito, isa rin itong professional carter at motocross rider. Ang kaniyang ina naman na si Angelique Lhuillier ay isang matagumpay na entrepreneur.
Source: PH Entertainment/Youtube
Siya rin ay co-owner ng isang auction house sa Parañaque City at ng Casa De Memoria, ang “restored version” ng Palacio De Memoria.

Source: PH Entertainment/Youtube
Ang Palacio De Memoria ay parte ng kasaysayan ng kanilang pamilya at itinuturing bilang kanilang kaisa-isang “heritage house.” Naglalaman ito ng mga mamahaling gamit na sinasabing nagkakahalaga ng milyon-milyong dolyar. 
Source: PH Entertainment/Youtube
Nagmamay-ari din ang pamilya nina Daniel ng isang private airplane na naka-park sa bakuran ng kanilang tahanan. 
Source: PH Entertainment/Youtube
Mayroong dalawang kapatid si Daniel. Nais ng kaniyang kapatid na lalaki na maging isang businessman at masundan ang yapak ng kanilang ina. Samantala, ang nakababata naman nilang kapatid na babae ang kinagigiliwan ng kanilang pamilya.Source: PH Entertainment/Youtube
Source: Furry Category

No comments